• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Demonyo”, 1 pa huli sa Caloocan drug bust, P110K droga, nasabat

SA kulungan ang bagsak ng dalawang drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng droga nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Demonyo” at alyas “Jeng-Jeng”, kapwa residente ng lungsod.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni ‘Demonyo’ kaya isinailalim nila ito sa validation.

 

 

Nang makumpirma na positibo ang report, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong alas-3:02 ng madaling araw sa Salmon St., Brgy. 8 matapos magsabwatan na bintahan ng P6,500 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 16.32 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P110,976.00 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang anim na P1,000 bododle money.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • VILMA, marami pang dapat i-consider sa balitang pagtakbo bilang Senador

    MATAGAL na namin itong gustong itanong kay Alden Richards pero wala lang kaming chance.       Wala kasing event si Alden na pwede naming siyang puntahan para tanungin.     Hindi talaga namin ma-reconcile na Alden Richards, who has a very wholesome image, is endorsing an intoxicating drink.     Hindi lang naman siya ang […]

  • Higit 8 milyong pasaherong naitalang dumating sa bansa – BI

    NAKAPAGTALA  ang Bureau of Immigration (BI) ng higit sa walong milyong passenger arrivals mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, tanda ng pagsigla muli ng turismo at ekonomiya ng bansa.     Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na nakapagproseso sila ng kabuuang 8,117, 286 Filipino at dayuhang pasahero sa mga paliparan at port sa bansa.  […]

  • Mga Serbians inalmahan ang pagpapauwi ng Australia kay Djokovic

    INALMAHAN ng mga mamamayan ng Serbia ang ginawang pagpapatalsik ng Australian Government kay tennis star Novak Djokovic.     Sinabi ni Serbian President Aleksandar Vucic na tila pinahiya ng Australia ang kanilang sarili.     Habang tinawag ng Serbian Olympic Committee na ang hakbang bilang ‘scandalous’ decision.     Dagdag pa ng Serbian president na […]