Dengue, nasa outbreak level na — DOH
- Published on August 22, 2024
- by @peoplesbalita
MALAPIT na umanong mag-anunsiyo ng dengue outbreak si Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa dahil nasa outbreak levels na aniya ang dengue cases na naitatala nila sa bansa.
Sinabi ni Herbosa na nakausap niya ang director ng Epidemiology Bureau (EB) ng DOH at sinabi nitong nasa outbreak levels na ang dengue.
Dahil dito, asahan na aniyang magdedeklara siya ng dengue outbreak.
Tumanggi muna si Herbosa na magbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isyu ngunit base sa inilabas na datos ng DOH kamakailan, hanggang noong Agosto 3, 2024, ang dengue cases na naitala sa buong bansa ay tumaas ng 33%, o mula sa 102,374 lamang ay naging 136,161.
Gayunman, nakapagtala rin naman ang DOH ng mas kaunting dengue deaths ngayong taon, na nasa 364 lamang, mula sa 401 noong nakaraang taon. (Gene Adsuara)
-
Maraming natuwa sa post ni Camille: HEART, balik-Pinas na at hinihintay kung magkikita sila ni Sen. CHIZ
MARAMING nagulat nang mag-post si Kapuso actress Camille Prats ng photo nila ni Kapuso actress at fashionista na si Heart Evangelita. Natuwa ang mga fans ni Heart at umani ng maraming likes, sa post ni Camille na magkasama sila sa loob ng dressing room ng GMA Network, with a caption “nice bumping into […]
-
Inuman nauwi sa madugo, 1 dedo
NAUWI sa madugo ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ng isang trabahador nang humantong sa patayan ang pag-aaway ng dalawa niyang bisitang kapuwa kasamahan sa trabaho sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong saksak sa leeg, ulo at mukha ang biktimang si Arnel Dante, 44, habang nadakip naman ng mga barangay […]
-
Pormal na dayalogo sa isyu ng nurses shortage sa government hospitals, gawin
HINIKAYAT ng chairman ng House Committee on labor and employment ang pagsasagawa ng dayalogo upang matugunan ang kakulangan sa nurses sa mga government hospitals sa bansa. Ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles, chairman ng komite na una dapat magsagawa muna ng dayalogo at magbuo ng istratehiya para mabigyan ng long term solution ang […]