Department of Transportation, iaalok na rin ang fare discount
- Published on March 17, 2023
- by @peoplesbalita
IAALOK na rin sa piling mga ruta sa buong bansa ang proposed fare discount para sa public utility vehicles o (PUVs) na ipatutupad sa darating na Abril.
Matatandaan na nakikipagtulungan na ang ahensya ng transportasyon sa Land transportation franchising and regulatory board at sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga ruta na magiging bahagi ng programa.
Ayon kay Department of Transportation Undersecretary Mark Steven Pastor, ipapatupad ang bawas pasahe sa piling ruta sa mga siyudad na may pinakamaraming bilang ng pasahero upang na sa gayon ay mas marami pa ang matulungan ng programa matapos na mawala ang libreng sakay ng Edsa bus carousel na nagtapos noong December 31, 2022.
Sa ngayon, nag-aantay na lamang ang Land transportation franchising and regulatory board sa budget o pondo para sa nasabing programa na inaasahan na maumpisahan na sa susunod na buwan. (Daris Jose)
-
Ibinuking ng kanilang ninong sa kasal: JERICHO at KIM, nakumpirmang 2019 pa naghiwalay
NATULDUKAN na ang matagal nang usap-usapang hiwalay na ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones. Ayon sa naging report ng ABS-CBN news sa interview nila sa ninong sa kasal ng mag-asawa na si Ricco Ocampo, inamin nito na noon pang 2019 hiwalay sina Echo at Kim. Pero nanatili silang magkaibigan at nagsusuportahan […]
-
Ads May 6, 2023
-
State of calamity sa buong bansa, idineklara ni Duterte dahil sa ASF
Nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa buong bansa dahil sa African swine fever. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa Proclamation No. 1143 tatagal ang state of calamity hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan maliban na lamang kung babawiin na ni Pangulong Duterteng mas maaga. “Ang […]