• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, World Bank posibleng magsanib-puwersa para palakasin ang kalidad ng edukasyon

POSIBLENG magsanib-puwersa ang Department of Education (DepEd) at  World Bank Group para  magtulungan na paghusayin pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

 

 

Sa kanyang opisyal na Facebook page, ibinahagi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang naging pagbisita ni World Bank Group Country Director for Brunei, Malaysia, Philippines, and Thailand Dr. Ndiamé Diop  sa DepEd Central Office sa Pasig City, araw ng Lunes, para sa isang  courtesy call.

 

 

“Masaya ako na pareho naming kinikilala ang malaking papel na ginagampanan ng edukasyon para sa pagbabago ng buhay at kinabukasan ng bansa,” ayon kay VP Sara.

 

 

Sa nasabing  courtesy call,  ibinahagi pa rin ni VP Sara na pinag-usapan ng mga opisyal ng DepEd at World Bank Group ang posibleng pagsasanib-puwersa o kolaborasyon na makatutulong para tugunan ang mga hamon sa education sector ng bansa.

 

 

Kabilang sa mga posibleng larangan para sa pagtutulungan ay ang implementasyon ng MATATAG Agenda.

 

 

Inilunsad noong unang bahagi ng taon, ang MATATAG Agenda ang pinakabagong “battlecry” ng DepEd para lutasin ang mga hamon sa basic education sector.

 

 

Nakatuon ang MATATAG Agenda sa paglikha ng curriculum na may kaugnayan sa pagpo-produce  ng “competent at job-ready, active, at responsible citizens;  gumawa ng hakbang para gawing mabilis ang paghahatid ng  basic education facilities at services; pangalagaan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpo-promote sa kapakanan ng mga mag-aaral, inclusive education, at isang positive learning environment; at bigyan ng suporta ang mga guro na makapagturo ng maayos.

 

 

Tinalakay din ng DepEd at  World Bank Group ang mga posibleng hakbang para palawign ang pagsasanay para sa mga  Filipino teachers sa pamamagitan ng “Teacher Effectiveness and Competencies Enhancement Project” sa iba’t ibang rehiyon at maging ang paglikha ng karagdagang  matibay na eskuwelahan sa ilalim ng  “Infrastructure for Safer and Resilient Schools” project.

 

 

Sinabi pa ni VP Sara na pinag-usapan din ang DepEd Digital Education 2028 o “DepEd DigiEd” program.

 

 

Samantala, nagpasalamat naman si VP Sara  sa World Bank Group para sa grant para sa  Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

 

“Ako ay positibo na ang kolaborasyon at pagtutulungan ay magdadala ng makabuluhang pagbabago sa edukasyon sa bansa,” ayon kay VP Sara. (Daris Jose)

Other News
  • P2.8M ALLOWANCE NG MGA FRONTLINERS SA NAVOTAS

    NAGLAAN ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas ng P2.8 milyon para sa one-time special risk allowance (SRA) ng mga frontliners na humaharap sa laban kontra sa COVID-19 pandemic.   Nasa 428 city employees, 187 mula sa City Health Office at 241 mula sa Navotas City Hospital, ang nakatanggap ng kanilang SRA.   “Lubos kaming nagpapasalamat […]

  • Pingris pasok sa Gilas coaching staff

    BALIK GILAS Pilipinas si Marc Pingris para sa first window ng FIBA World Cup Qualifiers na idaraos sa Pebrero 24 hanggang 28 sa Smart Araneta Coliseum.     Subalit hindi bilang player kundi bahagi ng coaching staff.     Mismong ang Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na ang nagkumpirma na makakasama ni Gilas Pilipinas head […]

  • Ads November 27, 2020