DEPLOYMENT NG MGA HEALTH WORKERS, IREREKOMENDA
- Published on June 16, 2021
- by @peoplesbalita
IREREKOMENDA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magdagdag ng deployment cap ng mga healthcare workers overseas kasunod ng apela ng Medical Technology Group.
Maaalala na ipinataw ang pansamantalang 5,000 deployment cap noong nakaraang taon upang hindi maubusan ng health workers sa bansa na tutugon sa gitna ng pandemya.
“Actually, that subject has been a matter of discussion by a technical working group,” ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa CNN Philippines .
Ayon kay Bello, binuo ang technical working group na ito upang malaman kung may anumang posibleng paraan ng pagdaragdag ng deployment cap ng paglawak nang hindi mapapagkaitan ng health care workers ang bansa.
Aniya, handa ang TWG na magrekomenda sa Inter Agency Taskforce ng ppsibleng pagdagdag ng deployment cap .
Binubuo ang TWG ng mga kinatawan mula sa DOLE, Department of Health (DOH), Professional Regulation Commission (PRC). (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
FIFA ikinalungkot ang nangyaring riot sa football match sa Indonesia
ITINUTURING ng football governing body na FIFA na isang nakakalungkot sa mundo ng soccer ang nangyaring kaguluhan sa isang football game sa Indonesia na ikinasawi ng 125 katao. Naganap ang insidente nitong gabi ng Sabado ng matalo ang Arema Football Club sa Persebaya Surabaya sa East Java kung saan dahil sa kapikunan ay […]
-
MARIAN, binigyan ng intimate pero very elegant na birthday party ni DINGDONG at ginawan pa ng tula
HINDI pinalampas ni Dingdong Dantes ang 37th birthday ng kanyang misis na si Marian Rivera na hindi ito mabibigyan ng isang intimate pero very elegant na birthday party. Ikalawang ECQ na nga na nagse-celebrate sila ng birthday, pero gano’n pa man, mukhang parehong happy naman ang dalawa na idinadaos kita kapiling ang dalawang mga anak […]
-
COVID-19 sa Metro Manila nasa ‘moderate risk’ na
Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III kahapon na naibaba na sa ‘moderate risk’ ang buong Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19. Sinabi ni Duque na ito ay dahil sa naitalang 39% COVID-19 growth rate mula Mayo 2-15 buhat sa dating 46% growth rate. […]