• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Deployment ng OFWs sa Saudi, tuloy na

SIMULA  sa Nobyembre 7, 2022 ay itutuloy na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang deployment ng mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kasunod ng pagtanggal ng deployment ban sa nasabing bansa.

 

 

Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, isasama sa bagong kontrata ang pagbibigay ng proteksyon sa mga OFWs.

 

 

Magkakaroon na rin aniya ng insurance cove­rage para sa mga domestic workers na babayaran ng mga employers.

 

 

“Nandoon na ‘yung insurance coverage para sa domestic workers. Ang magbabayad n’yan ‘yung Saudi employers. ‘Yung insurance cove­rage rin para sa skilled at construction workers ang magbabayad n’yan Saudi government. Ang covered insurance, kung sakali na bankrupt ‘yung kompanya, sagot ng insurance ‘yung unpaid salaries,” ani Ople.

 

 

Sa unang pagkakataon din aniya ay magkakaroon ng “country specific employment contract” na para lamang sa mga OFWs na magta-trabaho sa Saudi.

 

 

Tiniyak din ni Ople na hindi na mangyayari ang mga naganap sa nakaraan na “naho-hostage” ng employer ang isang OFW hanggat hindi nababayaran ang nagastos ay hindi puwedeng lumipat ng employer dahil kasama sa kasunduan ang pre-termination clause.

 

 

Papahintulutan na ang isang domestic worker na lumipat o magpalit ng employer bago matapos ang kontrata batay sa mga partikular na dahilan, tulad ng hindi pagbabayad ng suweldo at mga kaso ng pang-aabuso.

 

 

Isinasaalang-alang na rin aniya ngayon ng Saudi Ministry of Human Resources and Social Development (MHRSD) ang pagkumpiska ng pasaporte bilang pahiwatig ng human trafficking.

 

 

“So pag alam namin na binawi ‘yung passport, ire-report sa ministry. Sila bahala magpatawag at magpapa-explain sa employer. Part ng partnership,” ani Ople.

 

 

Samantala, ibinahagi rin ni Ople na nagtakda sila ng mga alituntunin para sa mga blacklisted at whitelisted recruitment agencies, foreign recruitment agencies, at KSA employers ng mga maaa­ring legal na lumahok sa pagpapatuloy ng deployment ng mga OFW sa Saudi Arabia.

 

 

“Ngayon ‘yung mga agency dapat nasa whitelist ng parehong bansa, bago magpadala ng Filipino worker,” ani Ople.

 

 

Matatandaan na noong 2019, mahigit sa 189,000 na OFW ang ipinadala sa Saudi Arabia. (Daris Jose)

Other News
  • Travel restrictions na nakataas sa mahigit 30 bansa, magtatapos na sa Enero 31; hindi na pinalawig ng Pilipinas- Sec. Roque

    NAGDESISYON ang Pilipinas na hindi na palawigin pa ang travel restrictions sa mga dayuhan mula sa mahigit 30 bansa na nakapagtala ng kaso ng bagong coronavirus variants.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mananatili na lamang ng hanggang Enero 31, 2021 ang nasabing travel restriction at nakatakdang magtapos sa nasabing petsa.   Gayunpaman, […]

  • Willing na maghintay kahit gaano katagal: RAYVER, inamin na rin na ‘mahal’ niya at inspirasyon si JULIE ANNE

    NAKABALIK na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards early morning of Tuesday, May 17, matapos niyang mag-attend ng red-carpet premiere showing ng favorite series niya sa Netflix ang “Stranger Things” na Season 4 na, last Saturday, May 14, in Brooklyn, New York.     Nag-post agad si Alden sa kanyang Twitter ng, “When a dream […]

  • Final guidelines para sa 2022 polls, ilalabas sa 4Q ng 2021 – Comelec

    Ilalabas ng Commission on Elections (Comelec) sa huling quarter ng 2021 ang final guidelines para sa 2022 national elections.     Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, binabalangkas pa nila ang mga guidelines na ihahanay sa umiiral na sitwasyon ng COVID-19 pandemic, na inaasahang tatagal pa hanggang sa halalan.     “Ongoing pa yung aming […]