DEREK, ipinagdiinang pinasadya at ‘di ex-deal ang diamond ring na binigay kay ELLEN
- Published on April 12, 2021
- by @peoplesbalita
TINATAWANAN pero pinatulan din naman ni Derek Ramsay ang tsismis na pinagpasahan na raw ng mga ex-girlfriends niya ang ibinigay na engagement ring kay Ellen Adarna.
Sey ni Derek, “There’s tsismis na pinagpasahan daw ‘to ng mga exes ko which is so funny. My mom was going to give me a 7.8 karat diamond ring to give to Ellen. I was like, Mom, I can’t take that from you and like, parang a 7 carat diamond is just way too big, I think for an engagement ring.
“Sabi ko, no, I want to purchase this one, this diamond. So, I learned about diamonds.”
Pinasadya niya raw talaga ang ibinigay na engagement ring kay Ellen. Kaya paano raw na magiging pinaglumaan o pinagpasahan na ng mga exes niya.
His exes includes, of course, Angelica Panganiban and Andrea Torres among the celebrities.
Kuwento pa ni Derek, sobrang na-stress pa nga raw siya dahil dumating na ang ring, sa mismong araw na ng proposal niya.
“I cancelled everything, I was just going to throw a surprise birthday party for Ellen, and the night before, like late, mga 9 o’clock, the ring was going to arrive. So, it actually was in my hand the day of the proposal.”
Sulit naman daw kahit na-stress siya muna dahil nang makita raw niya ang singsing, natupad daw kasi ang talagang gusto niya.
“It was perfect. It was how I imagined it,” sey pa ni Derek.
“When I saw it, it was just really beautiful. I wanted the stone to speak for itself.”
At isa pang nilinaw niya, hindi rin daw ito ex-deal.
“There’s no ex-deal here, nothing of a sort. My God, ang cheap naman pag ganu’n.”
At binigyang diin din niya na fully-paid na ang diamond ring.
“Of course! This is me getting married, this is me proposing. Hindi ko nga tinanggap yung 7.8 karat from my mom.”
May mga hula na nasa 7.8 carats daw ang sukat ng diamond ring, pero ayaw na itong sabihin pa ng actor. Sa IG Live with G3 San Diego nagpa-interview ang dalawa at dito rin nila kinumpirma na ang kanilang wedding ay ngayong taon na rin magaganap.
***
KAHIT pangalawang beses na naming napanood ang vlog ni Ivana Alawi kunsaan, nagpanggap siya at humingi ng tulong randomly sa mga nakita sa kalsada para bigyan siya ng pamasahe at makabalik siya ng Baguio.
Pinalitan ni Ivana ng x P1,000 ang ano mang ibibigay sa kanya. Pero yung kuwento ni Tatay na isang kutsinta vendor ang nagpaantig ng puso nito at nagpaluha.
Kahit kami, sobrang nabaitan kay “Tatay” na walang kaalam-alam na si Ivana ang kausap niya, pero ramdam mo sa kanya ang genuine na pagtulong, pag-aalala at generosity sa kabila ng kahirapan lang din.
Sa kabila ng napaka-inspiring na prank vlog na ito ni Ivana sa kanyang You Tube account na may 12.6 million subscribers at kunsaan, natanggap na nga niya ang kanyang Diamond Play button, may naging isyu pala ito at may nagbabanta raw na kasuhan ang actress.
Hindi malinaw sa amin bakit siya idedemanda, kesyo may nilabag daw si Ivana sa prank video niya na ito sa street.
Sinagot ito ng sexy actress sa latest vlog niya. Ayon dito, “Kung may nilabag akong batas, eh, ‘di kasuhan na lang nila ko, haharapin ko yun, lalaban ako.
“Kasi para sa akin, I didn’t do anything wrong. Ang intention ko is to help and inspire people. Wala akong tinapakan na tao, wala akong sinaktan na tao and masaya ako sa video ko and I will do it again.
“Ngayon, kung may nilabag akong batas, eh ‘di kasuhan na lang ako.”
May na-realize din daw si Ivana sa nangyari. Aniya, “Na-realize ko sa buhay, no matter what you do, may gagawin kang maganda, may gagawin kang hindi maganda, palaging may masasabi sila.
“And I’m okay with that. Kaya nga dine-deadma ko yung mga nangyayaring gano’n. Naku, talagang okay lang sa akin. Pero yung ‘wag lang yung gagamit-gamitin niyo lang ako as a content. Na trending siya at gusto ko siyang kunin para magka-views. That’s so wrong.”
At sa kabila man na may gano’ng threat pala kay Ivana, tinupad nito ang pangako kay Tatay. Kasama ng kutsinta vendor ang kanyang misis, pina-swab niya muna ito, nagkuwentuhan pa over meals, binilhan ng ilang appliances at ang pinaka-bongga binilhan ng pangarap na motor para mas mapadali ang kanyang hanap-buhay.
Kung hindi na makapaniwala si Tatay nang palitan ni Ivana ng P20,000 ang binigay nitong P20 sa aktres, mas lalo itong umiyak at hindi mapaniwala sa motor at iba pang surpresang natanggap mula nga kay Ivana. (ROSE GARCIA)
-
Online seller 2 pa, kulong sa P600-K halaga ng droga
TATLONG hinihinalang drug pushers, kabilang ang isang online seller ang arestado matapos makumpiskahan ng higit P.6 milyon halaga ng shabu at marijuana sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city. Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-2:40 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforce- ment […]
-
5.2 milyong pamilya, dumanas ng matinding gutom dahil sa COVID-19 – SWS
Dumanas ng matinding kagutuman ang may 5.2 milyong pamilyang Pilipino sa nagdaang tatlong buwan dahil sa COVID-19 pandemic. Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey, sa 1,555 adult Filipinos na tinanong, 20.9 percent ang nagsabing sila ay nagutom dahil wala silang makain. Ang bilang ang pinakamataas simula noong September 2014 nang 22 percent […]
-
Magkapatid na bebot timbog sa P.5M droga sa Caloocan
NASAMSAM ng pulisya sa magkapatid na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng droga ang mahigit P.5 milyong halaga ng shabu makaraang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, Martes ng umaga. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Pinky, 54 ng Brgy. […]