• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Designated area itakda: Hithit ng vape sa pampublikong lugar, bawal na

PINAGBABAWAL na rin ngayon ang paggawa, pagbebenta at pag-advertise ng mga hindi rehistradong electronic cigarettes o vape at iba pang mga naglalabasang bagong uri ng tobacco products.

 

Ipinalabas ng Palasyo ang Executive Order 106 na naglalayong amiyendahan ang nauna ng Executive Order 26 na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

 

Nakasaad sa EO 106 na iniulat ng Department of Health (DOH) na ang paggamit at pagkakalanghap ng usok mula sa e-cigarettes o vape ay nagdudulot ng kahalintulad na respiratory illness, cardiovascular diseases, addiction, cancer, neurodegeneration, brain development retardation at iba pang sakit na dulot ng paninigarilyo.

 

Inatasan din ang lahat ng e-liquids, solutions ng Electronic Nicotine and Non-Nicotine Delivery Systems (ENDS/ENNDS) o heated tobacco products (HTPs) na magparehistro sa Food and Drug Administration (FDA).
“Other novel tobacco products shall be regulated in accordance with RA NO. 9211 and other relevant issuances, and are subject to the jurisdiction of the Inter-Agency Committee-Tobacco (IAC-T), established under the said law,” sabi ng EO 106.

 

Sa ilalim ng ng EO 106, bawal ang vaping sa mga pampublikong lugar.

 

Kaya nga sa halip na “No Smoking Zone” ang ipapaskil na babala ay gagawin na itong “Non-Smoking/Vaping Buffer Zone” habang Designated Smoking/Vaping Area” (DSVA) ang mga lugar sa isang gusali na itatalagang pwedeng mag-yosi o mag-vape.

 

Sinasabing dapat ding iisa lamang ang “Designated Smoking/Vaping Area” sa isang gusali, dapat sarado ito at hindi makalalabas ang usok sa open air.

 

Nakapaloob din sa EO na kung dati ay mula 18-anyos lamang ang pwedeng bumili o bentahan ng sigarilyo, itinaas na ito sa edad na 21.

 

Tinintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang EO 106 nitong Pebrero 26 at epektibo sa loob ng 15-araw makalipas ang publikasyon sa pahayagang may national circulation.

 

Sa kabilang dako, inaatasan ng EO 106 ang Food and Drugs Administration (FDA) na bumuo ng implementing rules and regulations (IRR) sa loob ng 30 araw matapos maging epektibo ang EO.

 

“Non-Smoking/Vaping Buffer Zone” (Buffer Zone) is a ventilated area between the door of a DSVA not located in an open space and the smoke/vape-free area. There shall be no opening that will allow air to escape from such Non-Smoking/Vaping Buffer Zone to the smoke/vape-free area, except for a single door equipped with an automatic door closer. Such door is distinct from the door of the DSVA, which shall be at least two (2) meters away from the other,” ang bahagi ng nakasaad sa EO 26. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, hindi alam kung paano maging Pangulo- VP Sara

    MATAPANG na sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi alam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung paano maging Pangulo ng Pilipinas kaya’t hindi na kataka-taka kung ang bansa ay “on this road to hell”.     “Hindi ko kasalanan that we’re on this road to hell… Hindi marunong maging presidente ang nakaupo. Kasalanan ko […]

  • PSC ipinarating na sa SEA Games organizers ang ilang mga problemang kinaharap ng kanilang atleta

    UMAASA si Philippine Sports Commissioner at Hanoi SEA Games chef de Mission Ramon Fernandez na matugunan ng mga organizers ng 31st Southeast Asian Games ang mga inilapit nilang mga reklamo.     Sinabi nito na normal lamang na makaranas ng ilang reklamo ang mga atleta tuwing may ilang mga torneo.     Ilan aniya sa […]

  • Bagong layang tulak, balik selda

    BALIK kulungan ang isang drug pusher na dati nang naaresto dahil din sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos muling masakote sa isinawang buy- bust operation ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si William Tutor, 43, […]