Desisyon ng Comelec, hihilingin na isaalang-alang
- Published on April 20, 2024
- by @peoplesbalita
HIHILINGIN ng Commission on Elections (Comelec) sa Korte Suprema na isaalang-alang ang desisyon nito na ang poll body ay nakagawa ng grave abuse of discretion nang i-disqualify nito ang service provider ng Smartmatic bago ito makapagsumite ng anumang bid para sa 2025 elections .
Katunayan ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sila ay maghahain ng motion for reconsideration.
Sa kabila ng nasabing hakbang, sinabi ni Garcia na tinatanggap nila ang desisyon dahil nilinaw ng Korte Suprema na hindi nito mapapawalang-bisa ang kontrata ng Comelec para sa vote-counting machines para sa halalan sa South Korean Firm na Miru Systems.
“Lumalabas kung ano yung nangyari, valid na po lahat yan. Yung award namin wala na pong problema. Wala na pong effect, therefore, sa ating halalan sa 2025,”
Ayon kay Garcia, ang sinasabi lang ng Korte Suprema na kung sakali sa mga susunod na procurement sa mga darating na panahon ay dapat kasali na sila.
Binigyan-diin din ni Garcia ang integridad ng poll body ay hindi naapektuhan sa desisyon, at idinagdag na ito ay malugod na tinanggap dahil nilinaw nito ang lawak ng Comelec’s authority.
Ang Smartmatic ay diniskwalipika ng Comelec noong Nobyembre 2023 mula sa lahat ng procurement ng poll body dahil sa alegasyon ng bribery laban kay dating Comelec chairman Juan Andres “Andy” Bautista kapalit para sa awarding ng kontrata para sa election machines sa Smartmatic Corp.
Sinabi naman ng Smartmatic na ang diskwalipikasyon ay unfair dahil ito ay batay sa mga ulat lamang ng balita at hindi opisyal , nag-leak na mga dokumento mula sa ibang bansa ay talagang hindi katanggap-tanggap sa anumang hurisdiksyon kabilang ang PIlipinas.
Ang kumpanya ay naghain naman ng petition for certiorari na may aplikasyon para sa pagpapalabas ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction (WPI) sa SC.
Samantala, sinabi ng kinatawan ng Smartmatic na si Atty.Christian Lim na nauna nang tinanggap ang desisyon at sinabing ibinabalik nito ang hustisya at nagpapakita ng malinaw na mensahe sa mga namumuno sa Comelec. GENE ADSUARA
-
Mas magaling daw na aktor kesa kay Aljur: VIN, flattered pero may kurot na nararamdam
PANGALAWANG beses na pagsasama sa isang pelikula nina Vin Abrenica at Aljur Abrenica ang ‘The Revelation’. Unang nagkatrabaho ang magkapatid sa ‘Ang Hapis At Himagsik ni Hermano Puli’ noong 2016. Ano ang advantage at disadvantage na makasama sa isang pelikula ang kanyang kapatid? “At first, honestly, ang iniisip ko yung mga disadvantage talaga noong una […]
-
4Ps na buntis, may anak na edad 0-2, dapat mag-profile update – DSWD
PINAALALAHANAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga household-beneficiaries na buntis at may anak na edad 0 hanggang 2-taong gulang na mag-profile update upang mapabilang sa roll-out ng First 1000 Days (F1KD) conditional cash grant na karagdang financial support sa ilalim ng 4Ps, sa susunod na taon. […]
-
Duterte, inanunsiyo ang mga holidays sa 2022
Maagang inanunsyo ngayon ng Malacañang ang inaprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte na mga holidays at special workings para sa taong 2022 Ito ay batay sa Proclamation No. 1236 na pirmado ng pangulo na nagtataksa sa mga regular holidays, non-working days, at special working days sa susunod na taon. “Whereas, for the […]