Desisyon sa minimum wage hike, malalaman bago Mayo
- Published on March 21, 2022
- by @peoplesbalita
INAASAHANG bago pa pumasok ang buwan ng Mayo ay maglalabas na ng desisyon sa mga petisyon hinggil sa hinihinging umento sa sahod ng mga manggagawa sa buong bansa.
“Kumikilos na ang mga regional wage board… Nagbigay na tayo ng gabay sa kanila at may utos na rin si Secretary Bello na pabilisin ang proseso,” ani DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay.
“Bago ang Mayo, malalaman na ang desisyon kaugnay sa wage increase petitions” dagdag pa ni Tutay.
Ang Labor unions alliance Unity for Wage Increase Now! ay nagsagawa ng rally sa National Capital Region Wage Board office upang igiit ang pag-apruba sa kanilang petisyon na maitaas sa P750 ang minimum wage.
Samantala, ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ay umapela ng karagdagang P470 kada araw sa minimum wage sa NCR upang umabot ito sa P1,007.
Una nang iniutos ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards na repasuhin ang minimum wages sa buong bansa.
Sinabi ni Bello na hindi sasapat ang P537 daily minimum wage sa NCR para sa mga gastusin sa pagkain, at bayarin sa kuryente at tubig.
Suportado naman ng Malakanyang ang naging pasiya ni Bello na repasuhin ang minimum wage.
-
Mataas na bilang ng COVID-19 cases sa mga DepEd personnel, ikinaalarma
IKINAALARMA ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang mataas na bilang ng COVID cases sa mga personnel ng Department of Education. Kasabay nito, hinikayat ng mambabatas ang Department of Education na agad kumilos para masiguro na maibibigay ang healthcare services at tulong sa mga DepEd personnel na nagkasakit ng covid. […]
-
NAVOTAS hospital magdadagdag ng libreng dialysis sessions
MAS pinalakas pa ng Navotas City Hospital (NCH) ang kapasidad nitong magbigay ng libreng dialysis treatment, kasunod ng basbas ng walong bagong hemodialysis machine. Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez at ang mga konsehal ng lungsod ang pagbabasbas ng mga dialysis unit sa NCH. Mula […]
-
Kobe Paras lalaro sa Gilas
HANDA na umanong sumabak sa hard court si UP Fighting Maroons star Kobe Paras matapos nitong ipakita ang kanyang mga sneaker na gagamitin para sa laro. Pinaparamdam umano ni Paras sa fans na “bubble ready” na ito matapos umugong ang balitang magiging bahagi ang 23- year-old basketball star ng Gilas Pilipinas pool na papasok […]