• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DFA, nag-abiso ng pagkaantala sa pagpapalabas ng passport

NAG-ABISO ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na maaantala ang pagpapalabas ng passports.

 

 

“This is due to the maintenance work that is being conducted by its service provider, APO Production Unit, Inc. (APO),” ayon sa DFA.

 

 

“The Department of Foreign Affairs (DFA) informs the public that recent passport applications made last week have been affected by a system downtime,” sinabi pa ng departamento.

 

 

​”As a result, a few days of delay in the delivery and release of passports is expected​,” anito pa rin.

 

 

Pinayuhan naman ng DFA ang mga aplikante na makipag-ugnayan sa kani-kanilang consular office o foreign service post para sa karagdagang impormasyon.

 

 

Para sa iba pang katarungan at agarang bagay, maaaring kontakin ng mga ito ang ​DFA sa pamamagitan ng telephone number +632 8234 3488 o e​-mail sa pamamagitan ng:

 

DFA​ Aseana: passportconcerns@dfa.gov.phoca.concerns@dfa.gov.ph

 

Consular Offices (CO): https://dfa-oca.ph/transparency-seal/directory-of-consular-offices-co/

 

Foreign Service Post (FSP): https://dfa.gov.ph/about/dfa-directory/our-foreign-service-posts-dfa

 

Samantala, tiniyak naman ng ​DFA sa publiko na mahigpit na nakikipag-ugnayan ito sa APO upang masiguro na magpapatuloy ang normal services sa lalong madaling panahon.

 

​”We apologize for any inconvenience this may cause and appreciate your cooperation and understanding​,” ayon sa DFA. (Daris Jose)

Other News
  • Direktor ng PDEA-NCR, sinibak dahil sa Taguig drug-bust

    IPINAG-UTOS  ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Moro Virgilio Lazo ang pagsibak sa puwesto sa direktor ng PDEA-National Capital Region (NCR) kasunod na rin ng pagkakaaresto sa isang mataas na opisyal ng tanggapan, dalawang ahente nito at isang driver, sa isang drug buy-bust operation sa Taguig City kamakailan.     Sa isang pulong […]

  • VCMs at mga balotang gagamitin sa May 9 polls, nai-deliver – Comelec

    NAI-DELIVER na sa lahat ng polling precincts ang mga vote counting machines (VCMs) at official ballots na gagamitin sa May 9 elections.     Sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ferolino na maliban sa mga VCMs at balota ay naipadala na rin ang mga ballot boxes, Broadband Global Area Network at Consolidated Canvassing System (CSS) kits […]

  • Mga dinismis na empleyado ng LRTA, nagprotesta sa labas ng Korte Suprema

    NAGSAGAWA ng noise barrage at kilos protesta ang ilang mga dating empleyado ng LRTA sa Korte Suprema .       Hiling ng grupo na bawiin ng SC En Banc ang desisyon ng 3rd Division na pumabor sa paghahabol nila sa separation benefits at backpay.     Ayon sa grupo, nanawagan ang kanaak ng ilan […]