• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di lang sa paghuhubad may ibubuga, pasado rin sa pag-arte: CHRISTINE, hindi makapaniwala na nakatanggap ng mga papuri kay Direk JOEL

ISANG maganda at kakaibang paru-paro ang dadapo sa VIVAMAX ngayong ika-18 ng Marso.

 

 

Si Christine Bermas ay ang Moonlight Butterfly.

 

 

Inihahandog ng VIVA Films ang isang pelikula mula sa Master Director na si Joel Lamangan, tungkol sa isang babae na may kakaibang ganda at karisma.

 

 

Ito ang kwento ni Eunice (Christine Bermas) a.k.a Moonlight Butterfly, ang pinakasikat na GRO sa Angeles, Pampanga. Pinasok niya ang ganitong trabaho upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya at masuportahan ang pag-aaral ng kanyang boyfriend na si Roy (Albie Casiño).

 

 

Sa kanyang klase ng trabaho, maraming nakikilalang lalake si Eunice, ngunit iisa lang ang namumukod-tangi, si Elliot (Kit Thompson), isang Amerikanong nagbigay sa kanya ng pangalang Moonlight Butterfly. Naakit si Elliot sa kakaibang ganda at karisma ni Eunice, at aalukin siya nito na tumira kasama siya sa iisang bahay. Ibibigay niya ang lahat ng gusto at kailangan ni Eunice at ng kanyang pamilya, kapalit ng pagtigil niya sa pagiging GRO.

 

 

Samantala, nagsisimulang magkalabuan sina Eunice at Roy. Magfo-focus na lang si Eunice na paligayahin si Elliot, habang sinisigurado naman ni Elliot na nabibigay niya ang mga pangangailangan ni Eunice.

 

 

Hanggang dumating ang panahon na kailangan niyang umalis ng bansa para sa trabaho, at matigil ang kanyang pagsuporta kay Eunice. Mapipilitang bumalik si Eunice sa pagiging GRO, at may makikilala siyang bagong customer: isang misteryosong Arabo na naakit din sa ganda at karisma ni Eunice.

 

 

Pagbalik ni Elliot mula sa kanyang trabaho abroad, malalaman niya na may bagong lalake si Eunice at dito magsisimulang magulo at malagay sa panganib ang buhay ni Eunice.

 

 

Pagkatapos ng kanyang notable roles sa mga pelikulang Siklo at Sisid, handa na si Christine para sa kanyang first lead role sa Moonlight Butterfly, na kung saan aminado ang newbie sexy actress na mas matindi ang ginawa niyang darings scenes with Kit and Albie.

 

 

“Mas nauna lang pinalabas yun ‘Siklo’, pero mas nauna naming ginawa itong ‘Moonlight Butterfly’, kaya mas sobra ‘yung binigay ko dito.

 

 

“Though, binigay ko rin naman ang best ko sa ‘Siklo’, may grabe lang talaga ang daring scenes namin dito at hindi naman ako nagdalawang-isip na gawin ‘yun dahil kay Direk Joel,” pahayag ni Christine.

 

 

At dahil sa kanyang magandang katawan at magaling na pag-arte, hindi nahirapan si Christine na makuha ang approval ni direk Joel Lamangan. Sa isang interview, pinagmalaki ni direk Joel na nakadiskubre na naman siya ng isang bagong aktres na siguradong magtatagal sa industriya.

 

 

Para makuha ang approval ng award-winning direktor na si Joel Lamangan ay hindi madali, lalo na at nakagawa na ng pangalan si direk Joel bilang isa sa mga pinakamahusay na direktor ng Philippine Cinema.

 

 

Reaction naman ng sexy star, “sobrang nakakataba ng puso. Parang, kahit ako, totoo ba na naririnig ko ‘yung mga comment na ganyan?

 

 

“Pero, sobrang thankful ako kay Direk Joel, na naa-appreciate niya ang pag-arte ko, kaya mas kailangan ko pang galingan at ayusin pa ang sarili ko.”

 

 

Sa mga nakaraang taon, ilan sa mga pelikula ni Direk Joel ang sumikat gaya ng Felix Manalo, Hindi Tayo Pwede at Rainbow’s Sunset. Siya din ang direktor ng mga hit VIVAMAX Original movies na Silab, Bekis on the Run at Deception.

 

 

Mahumaling sa kakaibang ganda ni Moonlight Butterfly sa March 18, streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, Canada, the USA, the Middle East at Europe.

 

 

At sa best viewing quality na ang inyong panonood, dahil ang VIVAMAX compatible na with TV casting. Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at pwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account.

 

 

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo. Pwede ring mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.

 

 

Maaari ring magbayad ng VIVAMAX subscription plans sa mga Authorized outlets na malapit sa inyo: Load Central, ComWorks at Load Manna. Pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cable Link, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., Sky Cable, Fiber, BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect at Zenergy Cable TV Network Inc.

 

 

Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

(ROHN ROMULO)

Other News
  • RICH, binalita na nakagawa ng TVC sa Australia kasama ang kanyang mag-ama

    MAY pagkakataon daw na natulala ang Kapuso actress na si Faith da Silva tuwing kaeksena niya si Albert Martinez sa teleserye na Las Hermanas.     Ilang beses daw siyang nate-take two dahil sobrang starstruck siya sa veteran actor.     “Yung experience na naalala ko nagba-buckle ako, pero it’s a learning experience for me […]

  • Ilang kawani ng PDEA nahulian ng P9-M halaga ng droga

    ARESTADO  ang ilang operatibo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos mahulian ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P9 milyon.     Isinagawa ng PNP National Capital Region Police Office ang operasyon ang buy-bust operation sa headquarters ng PDEA sa lungsod ng Taguig.     Nakuha sa mga ito ang maliit na paketa ng na […]

  • Pagsusuri sa education curriculum, suportado ni PBBM

    SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ang panukalang suriing mabuti ang education curriculum ng bansa upang ihanda ang mga estudyante na may  skills o kasanayan na kinakailangan ng iba’t ibang industriya at tugunan ang umiiral na  job mismatch.     Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na napag-usapan sa lingguhang Cabinet meeting, araw ng […]