‘Di man pasok sa GFH: 3 sangay ng ahensya sa Maynila, popondohan
- Published on February 22, 2020
- by @peoplesbalita
POPONDOHAN ng pamahalaang Lungsod ng Maynila ang Bureau of Jail Management, Department of Social Welfare and Development at Manila Police District (MPD) para sa kanilang Peace and Order Council.
Ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, umaabot sa halos P40 milyon ang ilalaang pondo sa isinagawang pagpupulong ng ilang opisyal ng Manila City Hall.
Kabilang sa makikinabang sa pondo ang Bureau of Jail Management and Penology, Alternative Learning System Program na lalaanan ng P20 milyon. Ito ay gagamitin para pakainin ang mga batang napapaloob sa kanilang programa.
Ayon kay Moreno nais ng pamahalaang lungsod na tatlong beses sa isang araw mapakain bukod pa sa programang Nutribun.
Para naman sa Bureau of Jail Management and Penology, Manila Department of Social Welfare, at Manila Police District ay naglaan ng P12 milyon na gagamitin naman sa pambili ng dalawang “customized vehicles”.
Nais ng alkalde na maging disenyo ng kanilang mga sasakyan ay angkop sa kanilang bureau at departamento.
Mayroon naman P6 milyon ang Peace and Order Council bilang karagdagang halaga para mamaintain ang kaayusan at katahimikan sa lungsod kung saan gagamitin ang nasabing halaga sa pambili ng mga computer.
Habang may P450,000 naman ang Philippine Drug Enforcement and Agency na para naman sa allowamce ng 15 opisyal ng ahensya at ito ay nagkakahalaga ng 2,500 kada buwan.
Inutusan naman ng alkalde ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MTEU) na bumili ng 20 piraso ng Japanese brand motorbikes na para kay Isko na motor pa lang ay pulis na pulis na ang porma.
Samantala, isiniri rin ni Mayor Isko Moreno sa nakalipas na administrasyon kung kaya nabigo ang Lungsod ng Maynila na makasama sa 2019 Good Financial Housekeeping (GFH)inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) na inilabas noong Pebrero 14.
Ayon kay Moreno, inaasahan na niya ito dahil ayon umano sa DILG, bigo ang nakalipas na administrasyon na matugunan ang full disclosure ng financial documents sa 2018 at first quarter ng 2019.
Sinabi pa nito na isang oportunidad sa kanila na pagbutihin pa ang kanilang trabaho dahil hindi siya papayag na manatili ang nakakadismayang performance.
“It’s not happening under my watch,” ayon pa sa alkalde.
Nabatid na pinulong na niya ang local finance committee para magtrabaho at ayusin ang mga kalat na iniwan ng nakalipas na administrasyon.
Nangako si Moreno sa mga residente ng Maynila na pagbubutihin ng kanyang administrasyon ang pagtatrabaho. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ads October 13, 2023
-
NLEX toll rates muling tataas
PINAYAGAN ng Toll Regulatory Board (TRB) ng Department of Transportation (DOTr) na magkaroon ng rate adjustment sa North Luzon Expressway (NLEX). “We have authorized the imple-mentation of an additional P7 in the open system and P0.36 per kilometer in the closed system starting June 15,” wika ng TRB. Ang […]
-
COVID active cases sa PH nasa pinakamataas na umaabot sa 27,754
NASA pinakamataas na bilang na ngayon ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na umaabot sa 27, 754. Ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) ang panibagong nadagdag na mga tinamaan ng virus na nasa 2,727. Sa naturang bilang, ang mga bagong nahawa na 986 ay […]