‘Di nakaligtas sa intimate love scenes sa ‘Habangbuhay’… ELISSE, aminadong selosa kaya ia-approve muna ang tatanggapin ni MCCOY
- Published on April 19, 2022
- by @peoplesbalita
MATAPOS ang halos tatlong taon, muling magsasama ang real life couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson sa isang pelikulang siguradong pupukaw ng damdamin, ang Habangbuhay.
Handog ito ng Vivamax at available for streaming sa April 22,2022.
Gumaganap si Elisse bilang Bea. Dahil sa sakit na Common Variable Immune Deficiency (CVID), mababa ang proteksyon ng kanyang katawan laban sa iba’t-ibang impeksyon, kaya naging taong-bahay na lamang si Bea.
Kahit maraming ipinagbabawal ang kanyang ina na si Lily (Yayo Aguila), nananatiling masayahin at may positibong pananaw si Bea. Nag-e-enjoy siya sa kanyang sariling mundo na puno ng musika, pangarap at imahinasyon.
Live streaming ang kanyang paraan para makasalamuha ang ibang tao. Sa kabila ng lahat, masasabing maayos pa rin ang lagay ni Bea.
At dahil kay JR (McCoy), mas lalo pa siyang sumasaya. Si JR, ang houseboy ng kanilang pamilya. Noong bata pa lang ito ay kinupkop siya ng yaya ni Bea nang makitang palabuy-laboy sa lansangan na parang wala sa sarili. Lumaking seryoso si JR. “Sad boy” ang pagsasalarawan niya sa kanyang sarili. Naging magkalapit sila ni Bea dahil sa interes nila sa musika, hanggang tuluyan na nga silang ma-in love. Mas binibigyang kulay ni JR ang mundong nakasanayan ni Bea, at para sa kanya, si JR ang kanyang “safe space”.
Pero bigla na lang tila lumalayo si JR. Paano na ang pangako nito na magtatayo sila ng sariling pamilya at magsasama habangbuhay?
Alamin kung ano kaya ang rason ng minamahal niyang lalaki para hindi ibigay sa kanya ang hiling na, “ipaglaban mo naman ako”?
Samantala, hindi nakaligtas ang McLisse sa ilang intimate scenes sa movie at aminado naman ang aktres na awkward ‘yun para sa kanya kahit na couple sila ni McCoy.
Sabi pa niya, “it really helped that we had a very comfortable set and environment, the people that we were with. Pero masaya at nag-enjoy ako.”
Tungkol naman sa pakikipag-love scene o kissing scene sa ibang partner, napag-usapan na raw nila.
Ang pagpayag daw ay depende sa lalim ng istorya at worth it ba talagang gawin.
Inamin din ni Elisse na selosa siya, kaya baka hindi niya kayanin na may kahalikang ibang aktres si McCoy.
“Pero yon nga, depende sa kung ano yung material na ibibigay kay McCoy,” pahayag ni Elisse na siya raw ang mag-a-approve ng roles na tanggapin ng partner in real life.
Ang Habangbuhay ay mula sa direksyon ng award-winning na si Real Florido. Pinarangalan siya bilang Best Director sa London Film Awards at nagwagi ng Best Feature Film sa Canada International Film Festival para sa pelikulang 1st Ko Si 3rd.
Nakatanggap rin ang pelikulang ito ng Gender Sensitivity Award sa QCinema International Film Festival.
Ito ang pagbabalik-pelikula ng McLisse love team matapos ang 2019 movie na Sakaling Maging Tayo. Simula 2021 ay napapanood na si McCoy sa Vivamax dahil bida rin ito sa comedy series na Puto at sa musical film na Yorme – The Isko Moreno Domagoso Story.
Bago matapos ang 2021, inilabas nina McCoy at Elisse sa madla ang kanilang baby daughter. Marami ang nagdiwang sa balitang ito at pina-trend ng kanilang fans ang #McLisse. Mag-subscribe na sa Vivamax na hindi hihinto para ma-entertain ang buong mundo, sa web.vivamax.net at saksihan ang kakaibang chemistry ng McLisse sa Habangbuhay.
Hindi hihinto ang Vivamax para ma-entertain ang buong mundo. Vivamax, atin ‘to!
(ROHN ROMULO)
-
Nag-celebrate sa isang tahimik na lugar… RHIAN, thankful sa three years na relasyon nila ni party-list Rep. SAM
THREE years na ang relasyon nila Rhian Ramos at party-list representative, Sam Verzosa. Pinost ni Rhian via Instagram ang pag-celebrate ng dalawa sa isang tahimik na lugar kunsaan silang dalawa ang naroon. “Happy anniversary booboo 3 years na pero parang pang 3 weeks pa lang ang pagka-annoying […]
-
Drug suspect kalaboso sa P174K shabu sa Caloocan
KALABOSO ang isang hinihinalang drug personality matapos makuhanan ng mahigit P174K halaga ng droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa kahabaan ng Carnation […]
-
May pantapat na ang TV5 kina Luis at Dingdong: JOHN, first-timer pero swak na swak na host ng ‘SPINGO’
ANG larong Bingo na paborito ng mga Pilipino ay may bagong bihis na nagdadala ng susunod na antas ng paglalaro sa Philippine TV. Sa pamamagitan ng international format, kasama ang first-time game show host na si John Arcilla, ipakikilala ng TV5 ang SPINGO, isang game show na maghahandog ng interactive na karanasan para […]