• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di naman ni-report na na-hack o na-deactivate: IG account ni MAGGIE biglang nawala, kaya maraming nagulat

MASAYANG tinanggap ni Nadine Samonte ang plaque of recognition bilang alumna ng Alternative Learning System (ALS) school at ginawa rin siyanb ALS Ambassador of Schools Division Office-Malabon City.

 

 

 

“Nakakataba ng puso na makatanggap ng recognition award kung saan don din ako nakapagtapos. Sabi ko nga sa speech ko kanina ang ALS program ang nagbigay sa akin ng pag-asa. Kaya sa mga gustong magtapos kaya po natin yan dahil andyan ang programang ALS na tutulong sa inyo,” sey ni Nadine na nagbabalik sa paggawa ng teleserye sa GMA via ‘The Missing Husband.’

 

 

 

Ten years na magpahinga sa pag-arte si Nadine dahil nag-focus ito sa kanyang pagiging isang asawa at ina sa tatlong anak. Tamang-tama lang daw ang pagbalik niya sa GMA dahil mag-celebrate ng 20th year ang kinabilangan niya na reality artista search na ‘StarStruck’.

 

 

 

Kinuwento ni Nadine na pumila raw siya para mag-audition sa StarStruck noong 2003.

 

 

 

“Isa ako sa pinakahuli sa pila sa audition. Pinakanta, pinasayaw at pinaarte ako. Para ngang mas mahaba pa yung pinila ko kesa sa ginawa ko sa audition. Kaya noong sabihin na nakapasok ako, siyempre natuwa ako. Umabot ako hanggang Top 6. Kahit na hindi ako nanalo, maraming nagbukas na opportunities sa akin na naging malaking tulong sa pamilya ko that time.”

 

 

 

Nagbida noon si Nadine sa mga teleserye na Ikaw Sa Puso Ko, Leya Ang Pinakamagandang Babae Sa Ilalim Ng Lupa, My Guardian Abby, Super Twins, Kung Mahawi Man Ang Ulap, Maging Akin Ka Lamang, Tinik Sa Dibdib at My Lover My Wife.

 

 

 

***

 

 

 

MARAMI ang nagulat nang biglang mawala ang Instagram account ni Maggie Wilson.

 

 

 

Gustong ma-update ng mga marites sa nagaganap sa kontrobersyal na buhay ng beauty queen, model, at TV personality. Pero kapag kini-click ang @wilsonmaggie, blank na account ang lumalabas.

 

 

 

Kapag sine-search naman ang IG account niya, ang lumalabas ay “Sorry, this page isn’t available. The link you followed may be broken, or the page may have been removed. Go back to Instagram.”

 

 

 

Wala namang nabalita kung nag-deactivate ng IG niya si Maggie. Wala rin daw ni-report si Maggie na na-hack ang kanyang account. Basta na lang itong naglaho.

 

 

 

Sa IG pa naman daw nababasa ng mga marites ang latest sa sigalot nila ng kanyang estranged husband na si Victor Consunji.

 

 

 

Baka raw may nag-advise kay Maggie na mag-deactivate muna ng kanyang social media accounts dahil may ongoing na legal battle ito sa kanyang dating mister. Kaya rin siguro tumahimik na rin ang dalawang kampo dahil may kaso nang naisampa at hindi ito puwedeng pag-usapan.

 

 

 

Kaya wait na lang ang mga marites kung kelan puwedeng magsalita si Maggie. Dasal naman ng ibang netizen na maayos na nila ni Victor ang problema nila para na rin sa kanilang anak.

 

 

 

***

 

 

 

TINAKBO sa ospital ang former One Direction member na si Liam Payne dahil sa serious kidney infection.

 

 

 

Naging dahilan ang pagkakaospital ni Liam para ma-delay ang kanyang concert tour sa South Africa.

 

 

 

Post niya sa IG: “It’s with a heavy heart I have to tell you that we have no other choice but to postpone my upcoming tour of South America. Over the past week I’ve been in hospital with a serious kidney infection, it’s something I wouldn’t wish on anyone, and doctors orders are that I now need to rest and recover.

 

 

 

“I was beyond excited to come play for you guys. To all of you who have bought tickets: I’m so sorry. We’re working to re-schedule the tour as soon as we possibly can, but for now we will be refunding the tickets – so please look out for updates from your point of purchase.”

 

 

 

Liam’s tour was scheduled to kick off on September 1. He had dates in Lima, Peru and São Paulo, Brazil.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Christmas party posible na sa mga bakunado

    Naniniwala ang OCTA Research Group na maaari nang magdaos ng mga Christmas parties ngayong darating na Disyembre ngunit para lamang sa mga ganap nang bakunadong mamamayan.     “In places na vaccinated ‘yung attendees, kunwari sa office Christmas party na everyone’s vaccinated na, we can probably have a big Christmas party because the risk right […]

  • DSWD may P581-M standby funds pa

    Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroon pa itong mahigit P581-million standby at stockpile funds para ipangdagdag sa resources ng mga lokal na pamahalaan na labis na naapektuhan ng coronavirus disease pandemic.     Ayon kay DSWD Secretary Rolando Joselito D. Bautista na mayroong sapat na resources ang ahensya para tulungan […]

  • Gov’t compensation para sa violent crime victims, itaas

    NAIS  ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na taasan ng 5 beses ang reparations na maaaring makuha ng mga biktima ng bayolenteng krimen, kabilang ang rape survivors, mula sa gobyerno sa ilalim ng  special program ng Department of Justice (DOJ).     Sa House Bill No. 5029,  ang biktima o pamilya nito, ng bayolenteng krimen […]