• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di pa rin tinatantanan ng mga bashers: AGOT, sinabihan na alisin na ang galit sa puso

HANGGANG ngayon, hindi pa rin pala tinatantanan ng mga bashers niya ang singer/actress na si Agot Isidro.  

 

 

Pero tama si Agot, since siya kasi, living her life at very happy rin ito sa kanyang farm life tuwing wala siyang shooting o taping.

 

 

Ipinost tuloy ni Agot ang picture na obviously, kuha sa kanyang farm. Sinabihan kasi si Agot na alisin na raw nito ang galit sa puso.  

 

 

Sey ng netizen na may Twitter handler na @Princebasil555, “God bless you po 

 

 

@agot_isidro sana po mawala na yung galit sa puso nyo po.”

 

 

 

Ang pinanggalingan ng tweet n ito ng netizen ay dahil lang sa Twitter post ni Agot na, “It’s more fun out of the Philippines.”

 

 

Sinagot naman ng actress ang reply na ito sa kanyang post na, “Dear Basil, Hindi mo ako kilala. Matanda na ako, natutunan ko na ang pag-let go at pag-move on. Kasama yan sa pag ma-mature. Wala akong galit sa puso. Payapa ang mundo ko. Tignan mo na lang ang paligid ko. 

 

 

 

“Pero, Salamat sa God bless you. 

At God bless you din.”

 

 

 

Kaya naman hayun, dahil dito, ni-label na ng mga netizens na siguro raw, either DDS o BBM ang nag-comment na ‘yon kay Agot.

 

 

 

***

 

 

 

BALIK ‘It’s Showtime’ na si Vhong Navarro.

 

 

 

Emosyonal ito nang ipakilalang muli ni Vice Ganda.  Sobrang grateful lang daw niya na maramdaman ang napakainit na pagtanggap sa kanyang muli ng mga kasamahan sa show.

 

 

 

Ayon kay Vhong, “Ang sarap ng pagtanggap niyo sa akin.  Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan, sa mga taong nagdasal, nagtiwala at hindi ako iniwan.”

 

 

 

Iniwasan daw palang talaga ni Vhong na manood ng ‘It’s Showtime’ noon dahil alam niyang mas lalo niyang mamimiss ang mga kasamahan niya. 

 

 

 

Sey niya rin, “Pero mabalik ang Panginoon, talagang hindi Niya ako pinabayaan kaya nandito ako ulit. Kaya maraming salamat sa ABS-CBN dahil mayroon akong trabaho at nandito pa rin ang pamilya ko.”

 

 

 

Ayon kay Vhong, sa Panginoon lang daw siyang talaga kumapit, lalo na noong panahon na nasa NBI siya hanggang sa mailipat sa Taguig.  Bukod dito, sa kanyang asawa, pamilya, mga kaibigan at mga taong alam daw niyang patuloy na nagdarasal para sa kanya.

 

 

 

***

 

 

 

MALAKI ang pasasalamat ni Sunshine Cruz na plantsado, maayos na ang relasyon niya sa kanyang ex-husband na si Cesar Montano at may magandang relasyon ngayon ang tatlong anak nilang babae sa tatay nila.

 

 

 

Modern family na nga sila ngayon dahil si Sunshine, all-praises din sa present partner ni Cesar na napakabait daw. Kasama si Sunshine sa cast ng “Underage” na nag-pilot na kahapon, Jan. 16 sa GMA Afternoon Prime.

 

 

 

Tinatalakay rito ang mga problema dulot ng social media. At ngayon daw, natutuwa si Sunshine na hindi na lang siya ang nakakapagbigay ng advices sa tatlong anak.

 

 

 

“Ang prayer ko lang, sa patuloy na ibabato sa aking fake news, mga pagsubok especially in social media, makakayanan na namin. Nandito namam ako para sa mga anak namin para mag-advice. 

 

 

 

“It’s a good thing also na they now have a wonderful relationship with their own father. Hindi na lang ako ang nakakapag-advice kasi, nandiyan na rin si Cesar at nandiyan na rin ang kanilang Tita Kat para suportahan at mag-advice sa kanila.”

 

 

 

Masaya lang talaga si Sunshine ngayon na all’s well na sa kanila ng ex-husband.

 

 

 

“Siguro kasi, it’s been ten years naman. And kahit na anong sugat pa ‘yan, kapag nasugatan, naghi-heal. So I think, in God’s perfect time, nag-heal kami pareho and nakita naman naming talaga na mas naging maligaya ang mga anak namin.

 

 

 

“It just started last year, 2022 na nagkaroon ng forgiveness. At kahit ang mga anak ko nga, sinasabi nila sa mga interviews nila na nagkaroon ng peace sa puso nila no’ng magkaroon sila ng relationship with their Dad.”

 

 

 

Sabi pa niya, “And being a mom, who am I na hindi matutuwa sa mga nangyayari?”

 

 

 

Malaking factor rin daw na mabait ang bagong partner ni Cesar na si Kat at tanggap nito ang mga anak niya at may relasyon din ang mga anak nila.

 

 

 

“It was fun, ang sarap sa pakiramdam na wala ng conflict at magkakaibigan lahat.”

 

 

 

Pagdating naman sa kanyang lovelife, until now ay hindi pa rin nagsasalita si Sunshine sa nangyari sa kanila ni Macky Mathay.  Nang kumustahin namin ang puso niya, natatawa itong sumagot lang na, “pass! Ha ha ha! 

 

 

 

“I am happy. Nandiyan ang pamilya ko. Okay naman ako. Kung ano man ang nangyari sa past and present ko ngayon, mas nagiging matibay ako sa lahat ng experiences na nararanasan ko, that’s  all I can say,” sabi na lang niya.

 

(ROSE GARCIA)
Other News
  • 1 John 4:18

    There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love.

  • Pag-amin ni PDu30, walang garantiya na hindi siya mabibiktima ng Covid-19

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang garantiya na hindi siya mabibiktima ng Covid- 19 kahit pa nabakunahan na siya laban dito.   “There is no way, guarantee that I will not be a victim of COVID,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi.   “At no other […]

  • DOT pinutol ang kontrata sa ad firm na gumamit ng ‘stock footage’

    KINANSELA na ng Department of Tourism (DOT) ang kontrata nito sa advertising company na DDB Philippines na nasa likod ng inilabas na campaign video sa turismo ng bansa na “Love The Philippines.”     Nag-ugat ito sa pag-amin mismo ng ahensya na gumamit ng “stock footage” sa audiovisual presentation nito sa bagong promotional video na […]