• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Di umano’y Pharmally-POGO na nag-uugnay kay DU30, para sa ‘media mileage’ lang-Panelo

PARA kay dating presidential spokesman Salvador Panelo, isang malinaw na ‘media mileage’ lang ang intensyon ng naging pahayag ni Senator Risa Hontiveros kung saan pilit na iniuugnay nito si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersiyal na pharmacy anomaly at illegal Philippine offshore gaming operations (POGOs).
Malinaw na nais ni Hontiveros na mapakinabangan ang nasabing usapin para sa kanyang ‘political plans’ sa hinaharap.
“Her apparent intention is to malign the character of PRRD and at the same time she wants to be politically relevant and preparing to run for a higher office. She always want to be in the public eye for the name recall and media mileage,” ang naging pahayag ni Panelo sa isang kalatas.
Sinabi pa ni Panelo na si Hontiveros ay “desperately bent on connecting” ang dating Pangulo sa kontrobersiyal sa Pharmally at POGO, binigyang-diin na ito’y “no factual and  legal bases to link FPRRD in any corrupt practice.”
Ipinagtanggol din ni Panelo si Duterte sa pagsasabing, hindi kailanman nasangkot ang dating Pangulo sa korapsyon.
Kapansin-pansing aniya na tila ginagamit na lamang ni Hontiveros ang kanyang komite para paratangan ang isang tao para sa publisidad.
“She keeps using her committee to try persons by publicity— denying them of the due process clause of the Constitution under the guise of legislative inquiry in aid of legislation — as exemplified by what she did to Pastor Apollo Quiboloy and Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, who have become victims of her injustice,” ayon kay Panelo.
Kaya nga, sinabihan ni Panelo si Hontiveros na sa halip na “nauseous grandstanding,” dapat na pagtuunan nito ng pansin at umpisahan ang mga legislative bills na makatutulong sa kahirapan, kasalatans a edukasyon at usapin sa kalusugan, public works, agrikultura, kalakalan at iba pa.
“She is wasting taxpayers money. This must stop. She must be fealty to her oath of office,” diing pahayag ni Panelo.
(Daris Jose)
Other News
  • Eala sablay sa ‘Sweet 16’

    Yumukod si Alexandra Eala kay Simona Walterts ng Switzerland, 6-4, 2-6, 7-5, sa rematch sa opening round ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor tournament sa Manacor, Spain nitong Miyerkoles ng gabi.     Kontrado ang 15-anyos na Pinay mula sa Quezon City, reigning Women’s Tennis Association (WTA) No. 763, Rafael Nadal Academy (RNA) athletic […]

  • DepEd, pinag-aaralan na suriin ang revised K-10 curriculum rollout para sa SY 2024-2025

    LAYON ng Department of Education (DepEd) na i-roll out ang updated Kinder to Grade 10 (K-10) curriculum para sa school year (SY) 2024-2025     Sinabi ni  DepEd spokesperson Michael Poa na ang target rollout date ay  consistent sa commitment ng DepEd na makakuha at makonsidera ang lahat ng  public comments para  ma-fine-tune ang  K-10 […]

  • PNP naglatag na ng security measures vs magtatangkang manabotahe sa araw ng eleksyon

    NAGLATAG na ng security measures ang Philippine National Police (PNP) laban sa anumang pagtatangkang pananabotahe sa darating na halalan sa Mayo 9.     Sa isang statement tiniyak ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na hindi magtatagumpay ang anumang masamang plano sa mismong araw ng eleksyon dahil nagsasagawa na aniya sila ng contingency measures upang […]