DICT, lilikha ng task force, complaint center kontra text scams, illegal sites
- Published on July 5, 2022
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG magtatag ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng task force at complaint center kontra text scams at illegal sites.
Sa isang panayam, binigyang diin ni DICT Secretary Ivan Uy, ang pangangailangan na paigtingin ang paglansag sa cybercrimes.
Sa katunayan, inatasan na niya ang kanilang field personnel na agad na imbestigahan at ireport ang patuloy na operasyon ng e-sabong o online cockfighting websites.
“Dahil sa order na pagpapatigil sa online sabong… hinahabol na natin kung anong mode ang ginagamit para maipagpatuloy ang operasyon nito… We will set-up a task force to monitor ‘yung mga illegal na gumagamit ng ating teknolohiya,” ayon kay Uy.
“Magtatatag [rin] tayo ng central complaint center kung saan pwedeng i-consolidate ang mga reklamo laban sa mga text scams,” dagdag na pahayag nito.
Malaking tulong aniya kung ang SIM Card registration Act ay maipasa at maging ganap na batas sa ilalim ng 19th Congress.
Matatandaang buwan ng Abril ng i-veto ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang SIM Card Registration Act na naglalayong magsagawa ng “mandatory registration” sa lahat ng SIM cards at social media accounts.
Gayundin, sinabi ni Uy na plano nilang maglunsad ng call center na tatanggap ng mga reklamo na may kinalaman sa serbisyo ng telecommunication providers.
“Gagawa tayo ng task force o call center na tatanggap ng mga reklamo kaugnay sa serbisyo ng mga telco… Gagawa tayo ng public score card… every month maglalabas tayo ng assessment sa performance ng telcos para mapilitan sila na ayusin o bantayan ang kanilang serbisyo,” ani Uy.
Habang may plano na palakasin ang paglansag sa cybercrimes, inamin ni Uy na mahirap arestuhin ang mga perpetrators dahil maaari pa silang buweltahan ng pagsikil sa freedom of expression.
“Ang internet is a free resource… Sa disenyo nito, it’s supposed to be open… It was designed to survive nuclear war as a form of communication… Kung gagawa tayo ng mga paraan para i-block ito, maaaring violation ito ng freedom of expression,” diing pahayag nito.
“Kung magkakabit tayo ng mga device na magse-censor sa internet, baka maakusahan tayo na nire-restrict ang freedom of expression,” aniya pa rin. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
“GRAN TURISMO: BASED ON A TRUE STORY” WILL GET YOUR BLOOD PUMPING, SAYS DAVID HARBOUR
DAVID Harbour always knew that director Neill Blomkamp (Elysium, District 9) would bring a genuinely exhilarating feel to Gran Turismo: Based on a True Story. But he didn’t realize how authentic his own experience would be while filming the movie. “I knew Neill would bring a visceral, blood pumping feel to the movie,” says […]
-
Ex- Taguig Mayoral at Congressional bet, nahaharap sa kaso
NAGSAMPA ng kasong sedition o panggugulo ang isang grupo sa magkapatid na Arnel at Allan Cerefica, pawang mga talunang kandidato sa pagka-Mayor at Congressman noon 2019 midterm election. Bukod sa kasong sedition, iba pang mga kasong kriminal kagaya ng inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder at violation of BP No. 880 ang isinampa […]
-
2 tulak timbog sa P 9 milyon shabu sa Valenzuela
UMABOT sa mahigit P.9 milyon halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug pushers na naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi. Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, dakong 10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng […]