Didal tuloy ang ensayo
- Published on August 21, 2020
- by @peoplesbalita
PATULOY sa puspusang pagti-training si skateboarding star Margielyn Didal para sa mga Olympic Qualifying Tournament (OQT) at mapasama sa naurong sa 2021 na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.
Tinatiyaga ng Indonesia 2018 Asian Games women’s champion ang nadadaanang railings sa kanyang bayan sa Cebu upang maisagawa ang mahihirap na tricks habang hinihintay ang muling pagbabalik ng mga torneong napagpaliban sapul noong Marso dahil sa COVID-19.
“Frontside boardslide sa Cebu, proud Cebuana,” aniya kamakailan sa Instagram post (@margielyn didal) habang pinapanood ng dalawang bata sa pagpapadausdos ng skateboard sa isang kalsada.
Desidido aniya siyang makapag-Olympics sa debut ng nilalaro niya sa quadrennial sportfest.
Kumpiyansa sa kanyang tsansa ang Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at ang Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SARSAPI) na mga tumutulong sa kanya. (REC)
-
PANAWAGAN ng LCSP – SIGURADUHIN ang MURANG HALAGA at SAPAT na SUPPLY ng FACE SHIELDS PARA SA COMMUTERS
Mapagsamantalang mga negosyante at hoarders bantayan at kasuhan! Biglang nagkaubusan ng face shield at tumaas pa ang presyo nito matapos i-anunsyo ng DOTr na kailangan ay naka face shield at face mask na ang mga pasahero kung nais makasakay sa pampublikong sasakyan. Ibig sabihin – no face mask at no face shield, no ride! […]
-
Arrest warrant vs Quiboloy, pirmado na ng House
NAKATAKDA nang isilbi ngayong linggo ang warrant of arrest laban sa kontrobersiyal na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy. Ito’y matapos na malagdaan ng House Executives sa pangunguna ni House Committee on Legislative Franchise Chairman at Parañaque City Rep. Gus Tambunting ang warrant of arrest. Una rito, pinatawan ng contempt ng komite […]
-
4 tulak tiklo sa Navotas, Valenzuela buy bust
APAT na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw. Sa kanyang kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig na […]