• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG ibinida 73.7% ‘pagbaba ng kriminalidad’ sa unang 5 taon ni Duterte

KUNG paniniwalaan ang Department of the Interior and Local Government (DILG), “lagpas kalahati” ang naiawas sa crime rate ng Pilipinas simula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 hanggang 2021.

 

 

Ito ang inilahad ni Interior Secretary Eduardo Año, Lunes, sa katatapos lang na talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state media.

 

 

‘Pag titingnan po natin ang comparison mula po noong 2016 hanggang 2021, nakikita po natin na bumaba ng 73.76% ang crime rate. Ang mga taong ito po, Mr. President, ay saklaw po ng inyong panahon ng panunungkulan,” ani Año kagabi.

 

 

“Kaya’t patuloy itong mas naging ligtas sa ating mga komunidad sa tulong ng inyong programa kontra kriminalidad. So ito pong figure na ‘to makikita natin na mula 131,699, pagdating po ng 2021 ay 34,552 na lamang ang index crimes.”

 

 

Sinasabing nagmula ang datos mula sa ulat ng Philippine national Police (PNP), na nakapansin daw aniya ng pagbaba ng kabuuuang insidente ng krimen.

 

 

Mapapansin din daw na may pagbaba ng 3.66% mula sa total crime incidents kung ikukumpara ang 2020 sa katatapos lang na 2021, kung saan mula sa 374,277 ay nakapagtala na lang ng 360,573 bilang ng krimen.

 

 

Ang mga datos noong 2020 at 2021 ay nangyari sa gitna ng COVID-19 pandemic, kung saan nagpatupad ang gobyerno ng kaliwa’t kanang lockdowns at pagkontrol sa paglabas-masok ng taumbayan mula sa kanilang mga bahay.

 

 

Nagpatupad din ng mahihigpit na pagkontrol sa paglalakbay at nilimitahan ang mga aktibidad na maaaring gawin mula Luzon, Visayas at Mindanao.

 

 

Dagdag pa ni Año, mapapansin din ang pagbulusok ng bilang ng mga nangyaring karumal-dumal na krimeng madalas mangyari na kung tawagin ay “index crimes.”

 

 

Kabilang sa mga index crimes ang murder, homicide, rape, robbery, ang carnapping, physical injuries, at walo pangspecial complex crimes.

 

 

“So ito pong figure na ‘to makikita natin na mula 131,699, pagdating po ng 2021 ay 34,552 na lamang ang index crimes,” dagdag pa ng DILG official.

 

 

“Sa kabilang side naman po, itong peace and order indicator, ito po ‘yung pinagsama natin ng index crime at saka non-index crime. So makikita po natin sa peace and order indicator na kung saan ay bumaba po ng 5.69% noong 2021 kumpara sa 2020.”

 

 

Kung susumahin naman daw ang period mula nang umupo si Duterte hanggang 2021, kapansin-pansin namang 37% ang ibinaba ng ng peace and order indicator — mula 377,766 patungong 211,237.

 

 

Dagdag ni Año, nangangahulugan daw itong “nararamdaman” ng mga Pilipino ang pagganda ng peace and order situation habang tumataas ang kumpiyansa nilang ligtas sila sa mga kriminal.

 

 

Nangyayari ang lahat ng ito habang idinidiin ang administrasyon ni Digong sa paglabag diumano ng karapatang pantao at madugong war on drugs, na nakapatay na ng 6,225 katao ayon sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency.

 

 

Setyembre 2021 lang nang aprubahan ng International Criminal Court ang full investigation sa gera kontra droga at human rights situation sa Pilipinas.

 

 

Kahapon lang din nang sabihin ng Commission on Human Rights na posibleng makasuhan ang mga pulis dahil sa diumano’y kwestyonableng paraan ng pag-aresto nila sa isang community doctor na dating secretary general ng human rights group na Karapatan-Caraga.

Other News
  • Mga nasa collegiate athletes sa UAAP, binigyan na ng go signal ng IATF para makapag-praktis

    PUWEDE  nang makapag- ensayo ang mga koponan na kabilang sa University Athletic Association of the Philippines o UAAP.   Inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpa- praktis ng mga student athletes ng Collegiate athletics association.   “Iyong mga fans ng UAAP, magpa-practice na po ang ating mga teams,” ayon kay Presidential spokeperson Harry […]

  • Mister kinatay ng kapitbahay sa Navotas

    SINAMPAHAN na ng pulisya ng kaso ang isang mangingisda na walang habas na inundayan ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang naka-alitang kapitbahay sa Navotas City.     Kasong murder ang isinampa ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes sa Navotas City Prosecutor’s Office laban sa 43-anyos na si alyas […]

  • Ads June 16, 2021