DILG, ipinag-utos sa lahat ng LGU na magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa pagvivideoke ngayong holiday season
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ng Department of Interior and Local Govt (DILG) ang Local Government Unit (LGU) na magpasa ng ordinansa na magbabawal na muna sa pag- karaoke sa pampublikong lugar ngayong Holiday season.
Ito’y upang makaiwas sa paglaganap ng Covid-19.
Ayon kay DILG Usec Jonathan Malaya sa Laging Handa public press briefing, ang parusa sa mga lalabag sa pagvi-videoke sa mga pampublikong lugar ang siyang magdedetermina sa parusang kakaharapin ng sinumang susuway sa ordinansa.
Subalit, ang paglilinaw ng opisyal, tanging ang pagvivideoke sa pampublikong lugar o maramihang pagvi-videoke ang ipinagbabawal.
Puwede naman aniyang mag-videoke sa loob ng tahanan basta’t ang magpapamilya lamang ang kakanta at walang iimbitahang iba.
Batay kasi sa pag-aaral malaki ang tyansa na makahawa ng virus kapag naghihiraman ng mic at sa ilalim ng GCQ rules mahigpit paring ipinagbabawal ang malakihang pagtitipon.
Sa kabilang dako, ang pakiusap ng Kalihim ay gawing solemn ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon at bumawi na lang sa susunod na Pasko kapag may bakuna na laban sa Covid -19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ads September 6, 2021
-
“TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES: MUTANT MAYHEM” EARNS 97% FRESH RATING ON ROTTEN TOMATOES, FINAL TRAILER RELEASED
This is bonkers, yo! The first reviews for Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem are in, and they’re pretty gnarly… in the most awesome way possible. The film, directed by Jeff Rowe (Oscar-nominated The Mitchells vs. the Machines) and written by a team that includes Seth Rogen and Evan Goldberg, currently has a 97% Fresh […]
-
Eala pa-wow sa US NCAA
PATULOY ang pagkinang ni Michael Francis ‘Miko’ Eala para sa Pennsylvania State University men’s tennis team sa Big 10 Conference ng 2021 United States National Collegiate Athletic Association sa University Park Indoor Tennis Center sa nasabing estado. Humataw ng kambal na panalo sa men’s singles at doubles ang 18 taong-gulang na Pinoy netter […]