• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG, LLP umapela sa Senado na ibalik ang tinapyas na P28.1-B BDP fund

KAPWA umapela sa Senado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at League of Provinces of the Philippines (LPP) na ibalik ang tinapyas na P28.1 bilyong pondo ng Barangay Development Program (BDP) para sa New People’s Army (NPA)-cleared barangays na ipinanukala ng National Task Force to End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa 2022 budget.

 

“The Support to the Barangay Development Program (SBDP) is a game-changer in our battle to end communist terrorism in the country. Unti-unti nang nararamdaman ng mga naninirahan sa mga barangay na sakop ng SBDP ngayong taon ang tunay na kahulugan ng pagbabago at pagkalinga ng gobyerno na hindi nila naramdaman sa nakaraan dahil sa mga Komunistang Terorista ,” ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año.

 

 

Aniya, mayroon ng momentum sa paglaban sa communist terrorism at ang pagtapyas sa P28.1 bilyon ay makapagbibigay lamang ng “wrong signal” sa Local Government Units na umaasa sa mga nasabing development projects sa susunod na taon.

 

“We must remember that the battle against the CTGs (communist terrorist groups) is not just a battle of arms, it’s also a battle for the hearts and minds of our people,” ayon sa Kalihim.

 

Ito rin ang sinabi ng LLP sa kanilang 8th General Assembly passed Resolution No. 2021-009, sumusuporta sa anti-insurgency program ni President Rodrigo Roa Duterte at hinikayat ang Senado na aprubahan ng buo ang panukalang Support to the Barangay Development Program sa 2022 General Appropriations Bill.

 

“The full and continued implementation of the BDP needs to be pursued in order to bring about and sustain progress and development in these identified conflict-affected barangays that urgently need government support and assistance,” ayon naman kay LPP President and Marinduque Governor Presbiterio Velasco Jr.

 

Sinabi ni Año na ang mga panukalang proyekto sa ilalim ng SBDP ay pawang mga in-identify mismo ng mga residente “represent their collective aspiration towards genuine peace and development.”

 

“Cutting the proposed NTF-ELCAC budget next year will deprive these remote barangays of development and will make them vulnerable once more to the CTGs at a time when we have already gained significant strides in our whole-of-nation approach to defeat communist terrorism,” ayon kay Año.

 

“Mahigit 50 taon nang naghihirap at napag-iwanan ang ating mga kababayan na nakatira sa mga bulubundukin at malalayong lugar na dati ay pinamumugaran ng mga communist terrorist groups. Nakikiusap po tayo sa ating mga Senador na huwag ipagkait ang pagkakataong maramdaman nila ang pagmamalasakit ng gobyerno at malasap ang tunay pagbabago,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, nakikitang mas yayabong pa ang ugnayan sa pagitan ng Pinas at Singapore

    NAKIKITA ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  ang pagganda at pagbuti ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.     Ang Singapore kasi ang itinuturing na  “largest source of foreign investments” sa bansa.     Sa isang roundtable discussion kasama ang mga  Singaporean business leaders, kumpiyansang inihayag ni Pangulong Marcos na maliwanag ang hinaharap para […]

  • Arbitral victory ng Pilipinas noong 2016 laban sa China, isa lamang papel na maaaring itapon sa basurahan- PDu30

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang arbitral victory ng Pilipinas noong 2016 laban sa malawak na pag-angkin ng China sa West Philippine Sea na nakadulog sa United Nations ay “isa lamang papel na maaaring itapon sa basurahan.”   “Sa totoong buhay, ‘yang papel, wala ‘yan… Sa usapang bugoy, sabihin ko sa’yo, ibigay mo […]

  • GSIS, magbibigay ng financial aid sa 11 gov’t LIGTAS COVID centers

    Inanunsiyo ni Government Service Insurance System (GSIS) president at General Manager Rolando Ledesma Macasaet na magbibigay na rin sila ng financial assistance na aabot sa P700,000 sa 11 government Local Isolation and General Treatment Areas for COVID-19 cases o tinatawag na LIGTAS COVID centers.   Ang COVID center ay community isolation unit na nakalagay sa […]