DILG, maaaring i-realign ang pondo para ma-cover ang re-employment ng contact tracers – Avisado
- Published on January 27, 2021
- by @peoplesbalita
MAAARING i-realign ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pondo nito para ma-cover ang re-employment ng contact tracers (CTs).
Ito ang inihayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado bilang pagbibigay katiyakan matapos na sabihin ng DILG noong Enero 16 na maaari lamang silang makapag-rehire ng 15,000 CTs sa ilalim ng six-month contract bunsod ng kagipitan sa pondo.
Ang DILG ay nakapag-hire lamang ng 50,000 contact tracers noong nakaraang taon.
“Modification lang po kailangan po n’yan, sandali lang po iyan. Hindi na po aakyat sa Pangulo ‘iyan. Dito na lang sa level ko, na-approve ko na po iyan,” ayon kay Sec. Avisado sa Laging Handa briefing.
“Wala pong problema patungkol diyan,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, muling tatanggap ang Department of the Interior and Local Government ng 15,000 pang contact tracers (CTs) para sa COVID-19 contact-tracing efforts.
“While the country’s COVID-19 response is significantly improving, we should sustain our contact tracing efforts especially with the reported entry of the new UK coronavirus variant into the country,” saad sa kalatas ng DILG.
“We are pleased that we have been given the funds to re-hire some 15,000 CTs this year who will continue to help us track down, monitor coronavirus cases, and cut transmission in the community,” ani DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya.
“Much as we would like to continue the services of all the 50,000 CTs hired in 2020, we need to have a more rational number of CTs and work within the available budget allotted to the Department. Hence, only 15,000 CTs will be re-hired under a six-month contract in the meantime while we wait for the release of additional funds.”
“DILG field offices and the LGUs are directed to conduct an immediate assessment of the performance of the contact tracers and proceed with the selection of those who have effectively and efficiently performed their assigned tasks,” punto pa nito.
Sa memorandum na nilagdaan ni DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece, Jr., inatasan ang DILG regional directors na magtungo ang lahat ng DILG-hired contact tracers sa kani-kanilang mga rehiyon upang ibailik ang kanilang identification cards sa local government unit (LGU) sa pagtatapos ng kanilang kontrata noong December 31, 2020. (Daris Jose)
-
‘Sinag Maynila 2024’ highlights PH Film Industry Month and Manila’s Tourism Month
AFTER a four-year hiatus, the Sinag Maynila Film Festival returns with seven full-length feature films, seven documentaries, and ten short films created by today’s most exciting Filipino filmmakers. The comeback is made more significant as the iconic filmfest founded by Solar Entertainment President Wilson Tieng and renowned director Brillante Mendoza also marks […]
-
Leviste pinupuntirya ang Olympics at SEA Games
SOBRANG pahirap man, pero masunurin pa rin sa safety guidelines at health protocol ng Inter-Agency Task Force ang equestriane star na si Marie Antoinette ‘Toni’ Leviste at kanyang kabayo sa mga pagsasanay at paghahanda sa planong dalawang ng kompetisyon sa susunod na taon. Ito ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo Japan sa […]
-
Pingris binigyang pugay!
Kaliwa’t kanan ang papuring tinanggap ni Marc Pingris ng Magnolia Hotshots nang magdesisyon itong tuluyan nang magretiro matapos ang 16 taong paglalaro sa PBA. Kabilang na sa mga nagbigay-pugay si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na minsan nang nahawakan si Pingris sa kampo ng Hotshots. Isa si Pingris sa itinuturing […]