• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG magpapalabas ng guidelines ukol sa pre-campaign period activities

MAGPAPALABAS ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng guidelines sa local government units (LGUs) hinggil sa mga aktibidad ng electoral candidates bago pa magsimula ang campaign period sa Pebrero ng susunod na taon.

 

“Ako mismo maglalabas ako ng guidelines para sa mga LGUs ano ‘yung mga panuntunan kapag may caravan at saka merong motorcade diyan sa inyong area at ano ang dapat babantayan natin at hindi papayagan,” ayon kay DILG Secretary Eduardo Año.

 

Maliban kasi sa magdudulot ito ng pagsisikip sa daloy ng trapiko, may mga nagpartisipa kasi sa ilang caravans at motorcades ang naobserbahan na hindi sumunod sa health protocols gaya ng physical distancing.

 

Batay sa calendar of activities na ipinalabas ng Commission on Elections (Comelec), ang simula ng campaign period ay sa darating na Pebrero 8, 2022 para sa national candidates at Marso 25 naman para sa local candidates.

 

Napagkasunduan aniya na magpalabas ng guidelines na susundin ang motorcades at caravans kung saan ay mayroon lamang isang “designated lanes” na papayagan na ma-okopahan o magamit ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya.

 

Ia-identify din ang assembly area at ang eksaktong take-off time ay dapat na iobserba, walang programa o anumang unnecessary stoppage habang nagsasagawa ng aktibidad.

 

“Tuluy-tuloy dapat (travel) yan, free-flowing yan at hindi kayo mag occupy ng ibang lane na hindi naibigay sa inyo at kung anong oras ang tinakda, doon lang kayo. Hindi pupuwedeng magtatagal at yung lahat ng dadaanan ninyo na ruta dapat alam ng LGU and at anytime kung meron tayong nakitang paglabag pupuwedeng i-stop yan,’’ diing pahayag ng Kalihim.

 

Sa kaso naman aniya ng paglabag sa protocols, hahabulin ng mga tagapagpatupad ng batas ang mga organizers at “then if no action from the LGU puwede rin natin habulin yung LGU diyan and of course siyempre dapat may accountability din yung mga personality na kumakandidato ” lalo pa’t ang mga ito aniya ang tumatayong principals sa political activity.

 

Sinabi ni Año na ang kanilang gampanin lamang ay ang ipatupad ang umiiral na batas at regulasyon base sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines.

 

“So doon tayo sa health protocol aspect pero ang maganda naman nagkaroon na rin tayo ng mga pag-uusap at pagbibigay ng talakayan sa mga political parties na ito at sila naman ay nangako na susunod sa pinag uutos ng batas at ng IATF ,’’ anito.

 

Tinukoy din ng Kalihim na nangako ang mga kinatawan ng political party na magpapatupad ng “self-policing” at “self-restriction” sa panahon ng coordination meetings, idagdag pa na ang tanging magagawa lamang ng Philippine National Police (PNP) at LGUs ay magpatupad ng minimum public health standards.

 

“Sa MMDA (Metropolitan Manila Development Authority), LGUs, sa PNP at maraming rules doon na nai-set nila na magpo-protect naman sa mga kababayan natin,” dagdag na pahayag nito.

 

Ayon kay Año, sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2, ang outdoor assembly ay pimapayagan lamang sa 70% capacity, iyon lamang ay dapat na sundin pa rin ang minimum health standards. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • China atras sa Int’l sports

    Pansamantalang hindi muna lalahok ang China sa mga international competition at sports sa natitirang buwan ng 2020.   Ayon sa China, tigil muna rin umano ang ginagawa nilang pagsasanay para sa paglahok sa 2022 Winter Olympic Games sa Beijing at Zhangjiakou.   Naapektuhan umano ng nasabing kautusan mula sa General Administration of Sports ang anim […]

  • Pagkilala sa mga pangunahing produkto ng Catanduanes, Davao City at San Jose, Batangas, aprubado

    INAPRUBAHAN kahapon ng House Committee on Agriculture and Food na pinangunahan ni Vice Chairman at Negros Occidental Rep. Francisco Benitez ang House Bills 6149, 7460 at 7660 na maggagawad ng pagkilala sa mga mahahalagang produkto ng Catanduanes, Davao City at San Jose, Batangas.   Ang HB 6149 na inihain ni TGP Party-list Rep. Jose Teves […]

  • Mas gugustuhing siya ang mauna: HEART, hindi kakayanin ‘pag nawala ang asawang si Sen. CHIZ

    INAMIN ni Kapuso Global Fashion Icon Heart Evangelista na hindi niya kakayaning mabuhay kung wala ang kanyang asawa na si Senator Francis “Chiz” Escudero.       “Yes, because it’s a cruel world. Ayan nanaman ako, cruel, it is, it’s a mean world and without Chiz, I don’t know how I will survive because he’s […]