• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dingdong, happy and honored na muling maging brand ambassador

“HAPPY at honored po ako sa bago kong role. The fact that Medicol considered me to be its endorser, habang ang buong mundo ay nakararanas ng pandemya, it makes me grateful,” pahayag ni Dingdong Dantes na pormal ng inanunsiyo bilang brand ambassador ng pinagkakatiwalaang pain reliever brand sa Pilipinas.

 

Ang brand manager ng Medicol na si Lisa Angeli K. de Leon ay masayang ipinakilala ang matagal ng miyembro ng Unilab family.

 

“Ni-launch ang campaign noong July and we are explor- ing projects na pwede kaming mag-collaborate to inspire Filipinos to rise above the challenges, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Masaya po kaming makatrabaho si Dingdong muli.”

 

Dati ng endorser ng Medicol ang bida ng ‘Descendants of the Sun PH’. Taong 2008 pa ito ngunit malaki ang pasasalamat ni Dingdong sapagkat isa ang Medicol sa mga unang brands na nagtiwala sa kanya.

 

“Isa pong pribilehiyo ang maging brand ambassador. Ako po ay kaisa nila sa pagsusulong ng mas malusog na Pilipinas, one quality medicine at a time.

 

“Katulad ng Unilab, naniniwala rin po ako na ang de kalidad na health care ay dapat abot-kaya ng bawat Pilipino,” sabi ni Dingdong.

 

Ayon pa kay de Leon, ang Medicol ay dumaan na sa maraming reinventions simula nung una itong ipakilala sa mga tao noong 1979. Mula sa pagiging paracetamol tablet, ito ay naging ibuprofen caplet noong 2000s upang magbigay ng mas mabilis at mas mabisang pain relief.

 

Noong 2010, ni-launch ang Medicol Advance 200mg na kauna-unahang ibuprofen softgel sa bansa. Mas mabilis ang bisa nito dahil sa ibufluid technology.

 

At noong 2013, mas pinalawak ng Medicol ang kanilang offering sa pamamagitan ng paglunsad ng unang 400mg ibuprofen softgel sa bansa. Sa kasalukyan, nananatiling nag-iisa ang Medicol 400 sa merkado.

 

“Mula sa pagiging headache brand, isa na siyang clinically proven medicine to relieve different types of pain gaya ng migraine, toothache, dysmenorrhea, body pain at maging post- operative pains gaya ng tooth extraction,” kuwento pa ni de Leon.

 

“Dito pumapasok kung bakit si Dingdong ang perfect ambassador para sa Medicol. Napakarami nang nagbago sa Medicol at kay Dingdong. Kung paano nag-develop ang brand ay ganoon din si Dingdong over the years. He embodies the brand with his multi-faceted character and achievements. Si Dingdong ang perfect person to represent the brand’s promise of helping be your best self,” dagdag pa ni de Leon,

 

Samantala, bukod sa pagiging brand ambassador ng Medicol, busy din si Dingdong sa maraming bagay sa kabila ng pandemic.

 

Katatapos lamang niya sa lock-in taping para sa Descen- dants of the Sun na at napapanood na ang fresh episodes nito sa GMA-7.

 

Tuloy-tuloy din ang taping niya para Amazing Earth na napapanood tuwing Linggo. Siya rin ang direktor ng asawang aktres na si Marian Rivera para sa show nito na Tadhana na nasa ikatlong taon na at ibang endorsement shoots nito.

 

Aktibo rin si Dingdong sa YesPinoy Foundation at sa DingDongPH na online marketplace at delivery app na inilunsad niya kamakailan.

 

“Nagagawa ko ang lahat ng ito dahil sa supporta ng aking pamilya at ng aking komunidad who appreciate my craft and my contributions sa mga industriyang kinabibilangan ko,” sey ni Dingdong.

 

Sa pagtungtong naman ni Dingdong sa edad na 40, ano kaya ang dapat asahan mula sa kanya?

 

“I would like to think that I am still a work in progress and the best is yet to come. Madami akong pangarap para sa pamilya ko, para sa entertainment industry na humubog sa akin, at pangarap para sa mga communities and sectors na maaari ko pang matulungan.

 

“Itong pandemiya, it has been testing my faith and patience. Sinusubok ako sa mga paraan kung paano ko masisiguro ang safety and health ng pamilya ko at ng mga taong nakapaligid sa akin. Pero alam ko na in His perfect time, this too shall pass,” pagtatapos pa ng Kapuso Primetime King. (ROHN ROMULO)

Other News
  • Pagbati bumuhos sa pagreretiro ni UFC champion Khabib Nurmagomedov

    BUMUHOS ang pagbati sa desisyon na pagreretiro ni UFC fighter Khabib Nurmagomedov.   Isinagawa nito ang pagreretiro ng talunin niya si Justin Gaethje sa UFC 254 na idepensa ang kaniyang lightweight title.   Mayroon na itong malinis na career record na 29-0.   Isa sa dahilan ng pagreretiro niya ay matapos na pumanaw ang ama […]

  • DILG kumanta na: Espenido pasok sa narco list

    KINUMPIRMA ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kasali si Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido sa drug watchlist ng pamahalaan.   “Yes, that’s true and he will also undergo validation and possible investigation,” saad ni Año.   Una nang itinangging aminin o i-deny ni Philippine National Police (PNP) chief Police […]

  • San Beda sosolohin ang No. 2 spot

    ITUTULOY ng nagdedepen­sang San Beda University ang kanilang arangkada sa pagharap sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA Season 100 men’s basketball sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.     Sasagupain ng Red Lions ang Generals ngayong alas-2:30 ng hapon matapos ang salpukan ng Letran Knights at Arellano Chiefs sa alas-11 ng umaga.   […]