• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DION, pinost ang prenup photos at ready nang magpakasal sa non-showbiz girlfriend

READY nang magpakasal ang Kapuso hunk na si Dion Ignacio sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Aileen Sosa.

 

 

Pinost nga ni Dion sa Instagram ang prenup photos nila ni Aileen na kinunan sa Tanay, Rizal.

 

 

Taong 2018 nang aminin ni Dion sa media na may anak na siya mula sa kanyang ka-live-in na girlfriend. Dylann Jailee ang name ng daughter nila.

 

 

Kasama sa pinangako ni Dion kay Aileen ay yung magpapakasal sila at pag-iipunan daw niya iyon para maibigay niya kay Aileen ang dream wedding nito.

 

 

Nabanggit noon ni Dion na malaki ang pinagbago niya simula noong maging isang tatay na siya. Tinigil na raw niya ang makipagbarkada at ang magpaumaga sa inuman. Mas gusto na raw niyang nasa bahay siya kasama ang kanyang mag-ina.

 

 

Tinapon din daw ni Dion ang kanyang cellphone kunsaan nandoon ang contact numbers ng mga naka-date niyang mga babae. Tapos na raw kasi ang buhay-binata niya at ready na siya sa buhay na may pamilya.

 

 

***

 

 

DAHIL naka-three seasons ang TV5-Cignal TV teleserye na Paano Ang Pangako?, nakabawi na raw si John “Sweet” Lapus financially.

 

 

Pati ang estado ng kanyang mental health ay naging maayos na dahil sa magkakasunod na trabaho.

 

 

“Heto at nakakabawi na tayo. Yung unang suweldo ko sa teleserye na Paano Ang Pasko? nagbayad na ako sa iba na may utang ako. 

 

 

“Sana matuloy agad ang next show ko, this time as director naman, para hindi matengga ng matagal. 

 

 

“Napakalaking tulong ng Paano Ang Pasko? (now retitled Paano Ang Pangako?) sa aking mental health. Nababaliw lang naman ako kapag walang ginagawa. 

 

 

“Kaya l’m so grateful sa IdeaFirst for this job. They saved me emotionally, mentally at financially. Miss ko na ang buong PAP family. Napakasaya ng set namin.”

 

 

Ang isa pang pinagpapasalamat ni Sweet ay ang pag-alaga sa kanilang kalusugan ng production team ng IdeaFirst.

 

 

“Napakabait nila and they assured our safety during our lock-in taping. May RTPCR test swab bago kami pumunta sa hotel namin sa San Pablo, Laguna. May safety officer at medics sa set. 

 

 

“May exit swab ang lahat bago umuwi sa pamilya after each cycle. Nakakabilib talaga ang pag-asikaso nila sa aming lahat sa set.

 

 

“Balita ko kasi may mga production/network na KKB (kanya-kanyang bayad) ang mga tao na gusto magpa/exit swab. Kawawa naman ang iba na walang pang bayad, ‘di ba?”

 

 

Looking forward si Sweet sa pagkakataong muli siyang uupo bilang direktor. Huli niyang directorial job ay ang Kapamilya teleserye na Kadenang Ginto.

 

 

“Yes at nagpe-pre-prod na kami ng isang miniseries na romcom for me to direct. Hindi pa puwedeng magbigay ng detalye. But may awa ang Diyos sa last week of April kami mag-start ng lock-in taping.”

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang Hollywood actor and musician na si George Segal sa edad na 87 sa Santa Rosa, California.

 

 

“The family is devastated to announce that this morning George Segal passed away due to complications from bypass surgery,” ayon sa official statement ng pamilya ng aktor.

 

 

Nakilala si George sa mga films na The Owl and the Pussycat, Ship of Fools, King Rat, The St. Valentine’s Day Massacre, Where’s Poppa?, The Hot Rock, Blume in Love, A Touch of Class, California Split, For the Boys, Flirting with Disaster, The Mirror Has Two Faces, Look Who’s Talking? and Who’s Afraid of Virginia Woolf? kunsaan nakatanggap siya ng best supporting actor nomination sa Academy Awards.

 

 

Lumabas din si George sa hit sitcoms na Just Shoot Me, Pushing Daisies, Entourage, Caroline in the City and The Goldbergs.

 

 

Isa ring accomplished banjo player si Segal at nakagawa ito ng tatlong albums: The Yama Yama Man, A Touch of Ragtime and Basin Street. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Nelson nagtala ng bagong rekord sa hammer throw

    SUMULAT ng bagong national women’s hammer throw record si Filipino-Canadian Shiloh Corrales-Nelson sa katatapos na Triton Invitational Tourney sa University of California-San Diego track oval sa United States.     Ineklipsehan ng University of California-Riverside track team member sa six and last attempt ang eight-year-old PH mark na 50.55 meters ni Loralie Amahit-Sermona na naitatak […]

  • PBBM, nangako na palalakasin ang RAIL TRANSPORT System ng Pinas

    IPAGPAPATULOY ng gobyerno na gawing mas ‘seamless at modernisado’ ang transport system sa bansa. “Our journey towards a more seamless and modernized public transportation system does not end here,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , matapos pangunahan ang inagurasyon ng Light Rail Transit 1 (LRT-1) Cavite Extension Project Phase 1 sa Parañaque […]

  • VP Sara, nagbigay-galang kay dating PM Shinzo Abe

    BINISITA ni Vice President Sara Duterte ang official residence ni  Ambassador of Japan to the Philippines Kazuhiko Koshikawa para ipaabot ang pakikiramay sa pagkamatay ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.     “Ang pagmamahal at pagpapahalaga ng dating Prime Minister sa Pilipinas ay hinding-hindi natin makakalimutan,” ayon kay VP Sara sa isang Facebook post. […]