• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Direk ERIK, muling makakatrabaho si SHARON at may movie rin sila ni BEA

MARAMING bago at exciting na palabas ang dapat abangan sa UPSTREAM, ang  pinakamalaking online streaming platform na ginawa ng mga Pilipino para sa mga Pilipino.

 

 

Kabilang dito ay mga sure-fire box-office hits at mga originals, na ang ilan ay gawa ng multi-awarded at critically-acclaimed director na si Erik Matti.

 

 

Ang Upstream Original, isang programa na nagpopokus na gawa ng mga Pinoy para sa Pinoy, ay nagsimula sa movie na A Girl and A Guy na kasalukuyan kinukunan sa Baguio.

 

 

Isa itong super sexy na kwento ng relationships among millennials na bida ang mga newcomers na sina Rob Gomez at Alexa Miro (TV’5s Fill In the Blank).

 

 

Tampok din sina Donna Cariaga, Candice Ramos, Sarah Holmes, Juan Carlos Balasbas, Shaun Salvador, Yvanne Evangelista, Pau Benitez, Chloe Dominique, Rosh Barman, at Roeder Camanag.

 

 

Ang A Girl and A Guy ay nagsimula nang mag-stream worldwide kahapon, March 26.

 

 

Susundan naman ito ng Runaway, isang romance mula sa panulat at direksyon ni Katski Flores. Shot entirely in New Zealand, kwento naman ito ng isang babae na iniwan ang kanyang bahay for an adventure of a lifetime sa New Zealand. Doon ay makikilala niya ang isang lalaki na nais naman ay bumalik sa Pilipinas.

 

 

Runaway stars Asia’s Next Top Model Cycle 5 Winner, Maureen Wrob and former Pinoy Big Brother housemate, Kit Thompson.

 

 

Isa pang Erik Matti film na dapat abangan worldwide ay sa second quarter ng 2021 is titled Rabid. Sa Baguio rin ito kinunan at bida rito sina Kent Gonzales, Ricci Rivero, Vance Larena, Ayeesha Cervantes, Pam Gonzales, Ameera Johara, Ynigo Delen, Jay Glorioso, Donna Cariaga, Jake Macapagal at Cheska Diaz.

 

 

Ipinapakita sa Rabid ang isang mundo na puno ng takot, panganib at kawalan ng katiyakan kung saan ang isang pamilya, isang single mom, isang nurse, at isang mag-asawa ay makararans ng iba’t-ibang bagay na pwedeng magdala sa kanila to the brink of madness dahil sa current reality sa ating lipunan ngayon.

 

 

Isa rin sa upcoming offering ng Upstream ay ang On The Job: The Missing 8, ang inaabangang sequel sa Erik Matti film OTJ na ipinalabas noong 2013.

 

 

The movie has a powerhouse cast na tinampukan nina John Arcilla, Dennis Trillo, Dante Rivero, Lotlot De Leon, Christopher De Leon, Andrea Brillantes, Leo Martinez, Agot Isidro, Eric Fructuoso, Vandolph, Wendell Ramos, Megan Young, Isabelle De Leon, at Levi Ignacio.

 

 

Based on true events, kwento ito ng isang corrupt journalist at isang preso na kukuwestiyunin ang kanilang loyalty sa isang local politician matapos na misyeryosong mawala ang 8 walong tao at hindi na mahanap.

 

 

After Kuwaresma, balik-trabaho sina Megastar Sharon Cuneta at Direk Erik sa isang untitled drama movie.

 

 

May gagawin naman na suspense-thriller film inspired by the Birkin Scam si Bea Alonzo, na ididirek din ni Erik Matti.  (RICKY CALDERON)

Other News
  • 15 milyong target bakunahan sa 3-day national vaccine drive – DOH

    Target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang nasa 15 milyong Pilipino sa ikakasang tatlong araw na ‘national COVID-19 vaccination drive’ na nakatakda sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.     “We are doing everything that we can so that this can be successful and we can reach our average or our targets,” ayon […]

  • 3 miyembro ng PH Air Force patay nang masunog ang sasakyan

    PATAY ang tatlong katao matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang kotse sa isang concrete barrier sa kahabaan ng EDSA-Santolan sa Quezon City.     Naganap ang insidente pasado alas-dos madaling araw nitong Pebrero 18 kung saan matapos na bumangga ang kotse ay nagliyab pa ito.     Matatagpuan ang concrete barrier sa busway southbound ilang […]

  • P10 BILLION KAILANGANG GAMITIN NG DSWD -MALAKANYANG

    SINABI ng Malakanyang na dapat gamitin ng Department of Social Welfare and Development ang natitirang P10 billion sa ilalim ng COVID-19 emergency cash assistance program para tulungan ang mga mahihirap na sambahayan at vulnerable sectors.   “Dahil ‘yan po ay naibigay na ng Kongreso, kung pupuwede nga ay ibigay pa ‘yan doon sa mga pamilya […]