
NAGBABALIK ang direktor ng top-grossing Filipino horror film na ‘Deleter’ na si Mikhail Red sa isa pang nakakatakot na obra maestra sa ‘Lilim.’
Pinagbibidahan ito ni Heaven Peralejo, na hinirang na National Winner for Best Actress sa 2023 Asian Academy Creative Awards.
Ang ‘Lilim’ ay nakasama sa opisyal na seleksyon sa 54th International Film Festival Rotterdam (IFFR).
Ang horror film ay tungkol sa dalawang magkapatid na nakituloy sa isang bahay-ampunan, para lamang mahukay ang isang madilim na lihim na nagbabanta sa kanilang buhay.
Si Red ay nag-unveil ng new take on terror with ‘Lilim.’
Nagsimula ang kuwento kay Issa (Heaven), na pumatay sa kanyang mapang-abusong ama sa isang desperadong gawa ng pagtatanggol sa sarili.
Matapos ang malagim na engkwentro, tumakas siya sa kanilang tahanan kasama ang nakababatang kapatid na si Tomas (Skywalker David).
Sa pagtakas mula sa pulisya, nakisilong ang magkapatid sa Helping Hands, isang liblib na orphanage na pinamumunuan ng mga misteryosong babae na nagpapakita ng kanilang sarili bilang mga madre.
Bagama’t sinasabing itinayo ang bahay-ampunan sa isang mapaghimala na lugar, nagbabala sa kanila ang pinunong madre na ang lugar ay nagtataglay ng maraming sikreto.
Binibigyang-linaw ni Direk Red ang madilim na inspirasyon na nagpasiklab sa ‘Lilim.’
Nais niyang gumawa ng pelikula tungkol sa isang nakatagong lipunan na nakanlong mula sa nakakasagabal na pang-aapi ng panahon, na bumagsak lamang at nabiktima ng sarili nilang mga paniniwala.
Isang lipunang ginapos ng takot at ng panatismo, na sumasalamin sa mismong mundong sinusubukan nitong takasan.
Bahagi ng pahayag ni Red sa U.S. Variety, “it is also my first horror film seen through the eyes of children.” Nakipagtulungan para sa ‘Lilim’ si Red sa sarili niyang mga miyembro ng pamilya.
Ang kanyang ama, si Raymond Red, Palme d’Or winner para sa Best Short Film noong 2000 Cannes Film Festival para sa ‘Anino,’ ay nagsisilbing cinematographer, habang ang kapatid ni Mikhail, si Nikolas, ang nagsulat ng screenplay.
Ginampanan ni Peralejo ang pangunahing papel ni Issa, na minarkahan ang kanyang pangunahing debut sa horror genre.
Ang beteranong aktres na si Eula Valdez, na dating nakatrabaho ni Red sa ‘Neomanila’ at ‘Nokturno,’ ay naghahatid ng nakatatakot na paglalarawan bilang pinuno ng orphanage, si Marga.
Si Mon Confiado (‘Nanahimik ang Gabi,’ ‘Arisaka’) ay gumanap na isang imbestigador na sumusubaybay sa mga galaw ng magkapatid, habang ang child actor na si Skywalker David ay nagbibigay ng isang breakthrough performance sa kanyang feature film debut bilang Tomas.
Si Ryza Cenon, na gumaganap bilang isang madre, ay naghahatid ng isang “baluktot na eksena” sa pelikula na sabik na sabik si Red na masaksihan ng mga manonood, na nag-ahit pa talaga ng buhok para yakapin ng husto ang kanyang role at hanggang di pa siya nagpapahaba ng buhok.
Kasunod ng world premiere nito sa Rotterdam, ang ‘Lilim’ ay nakakuha ng mga magagandang review mula sa mga internasyonal na publikasyon.
Pinuri bilang “crowd-pleaser” ng ScreenAnarchy, ang pelikula ay pinuri dahil sa pagiging “creepy, entertaining, and polished” sa mga jumpscares nito na inilarawan bilang “solid.”
Umani rin ng pagpuri ang pagganap ni Peralejo bilang si Issa, kung saan pinuri siya ng mga kritiko bilang isang aktres
Sa nakatatakot na salaysay nito, strong cast, at madugong panoorin, ang ‘Lilim’ ay pinuri rin ng Asian Movie Pulse dahil sa pagiging “well-directed, well-shot, well-acted psychological horror/slasher” na tiyak na masisiyahan ang lahat ng mga tagahanga ng partikular na genre.
Pagkatapos gumawa ng ingay sa IFFR, ang pandaigdigang epekto ng ‘Lilim’ ay nagsisimula pa lang. Ang pelikula ay patuloy na tatakutin ang mga manonood sa buong mundo, na napili ng mas prestihiyosong mga festival—na nagmamarka ng mga makabuluhang milestone para sa Filipino horror genre sa international scene.
Hindi na kailangang maghintay pa para damhin ang nakakikilabot na misteryo ng ‘Lilim’ sa mga sinehan sa buong bansa simula Marso 12.
At base napanood namin sa premiere night last Monday sa SM North The Block, hindi nga bibiguin ang mahihilig sa horror movie.
Kaya ‘wag palagpasin, nood na kasama ang dyowa at barkada.
(ROHN ROMULO)