• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Direk PERCI, thankful sa successful run ‘Paano ang Pangako?’ na finale na ngayong Black Saturday

SA Black Saturday na ang finale ng Paano ang Pangako?, ang top-rating teleserye ng The IdeaFirst Company, Cignal at TV 5.

 

 

May marathon viewing ang finale from 2 pm to 7 pm on Black Saturday kaya yung mga fans ng Paano ang Pangako?, tutok na para malaman ang magiging ending ng successful teleserye ng Kapatid Channel.

 

 

Ayon kay Direk Perci Intalan, the producer of the series, they are very thankful na three months after Christmas ay maganda ang takbo ng series in terms of viewership.

 

 

“We are glad that the show is doing very. What was meant as a Christmas serye kasi nga dahil sa pandemic, ang nasa isip ng mga tao paano na ang Pasko? Hindi tayo pwedeng magsama-sama. Walang chance na mag-reunion kasi nga bawal ang mga gatherings.

 

 

Walang pera ang mga tao. Maraming nawalan ng trabaho. Naitawid naman namin show last December and we were glad that the network gave us the go signal to extend the series kaya Paano ang Pangako was born,” pahayag ni Direk Perci.

 

 

“Ang story arc naman ng Paano ang Pangako ay nagsimula sa uncertainty of the times. Dahil sa pandemya, hindi natin alam what await us in the future? Magkakaroon ba ng cure sa virus?

 

 

The times are uncertain at apektado ang buhay ng bawat isa sa atin. Mapapanghawakan ba natin ang pangako? Ano ba ang mapapanghawakan natin sa situation that we are now?

 

 

Paano ang Pangako? started a new book last week at kahit na two weeks lang ang itatakbo ng bagong kwento ng serye, may mga bagong characters na pumasok at marami pa rin mangyayari na dapat abangan sa series.

 

 

Napanood na nga ni Direk Perci ang rough edit ng ilang eksena sa finale week and he was pleased with what he saw.

 

 

If ever sabihin ng network na extend ang series, Direk Perci said they are always willing to do so. Masaya if the show will be extended anew kasi trabaho ito for the cast and production team.

 

 

Ayon pa kay Direk Perci, conscious naman daw ang production team sa mga safety protocols na dapat sundin. Hindi lang daw natin alam ang mga challenges na kanilang kinakaharap taping the show pero thankful din lang silang lahat they were able to overcome the challenges although kung minsan daw ay parang OA na ang mga pagsubok na dumarating sa kanila.

 

 

Tiyak na aabangan ang finale week ng Paano ang Pangako? sa Black Saturday.  (RICKY CALDERON)

Other News
  • Matapos na umani ng papuri sa ‘Linlang’: KAILA, masusubok naman ang galing sa historial film na ‘Pilak’

    UMANI ng papuri si Kaila Estada bilang isang mahusay na aktres sa online/TV series na ‘Linlang’, and this time, sa isang pelikula naman masusubok ang kanyang galing.     Sa historical film na kasalukuyang sinu-shoot ngayon na ‘Pilak’ ay unang beses na gaganap si Kaila sa isang dual role bilang babaeng nagpapanggap na lalaki.   […]

  • MMDA nagbabala sa bagong ‘text scam’ sa traffic violation

    NAGBABALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista kaugnay ng text message na nagpapayo sa kanila na magbayad ng multa gamit ang isang link.       “MMDA NCAP Office notice: Your traffic violation penalty bill is 3 days past due. Failure to pay will result in an fail vehicle registration,”ang nilalaman ng […]

  • Wanted na rapist, nalambat sa manhunt ops sa Navotas

    LAGLAG sa selda ang isang kelot na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos mabingwit ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan sa Brgy. Bangkulasi ang presensya ng 30-anyos na […]