• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dismayado ang netizens sa sinuot sa ‘Sparkle Spell 2023’: ALDEN, parang napadaan lang at ‘di na nag-effort mag-costume

DISMAYADO ang mga netizen nang makita nila kung ano ang suot ni Alden Richards sa ginanap na ‘Sparkle Spell 2023’.

 

Casual na casual lang kasi ang suot niya na naka-black shirts, sneakers, maong pants na may dalang bouquet ng bulaklak.

 

Tipong parang napadaan lang daw ito habang ang ibang mga Sparkle artists ay todo nag-effort tulad nina Kyline Alcantara, Sanya Lopez at iba pa.

 

May paliwanag naman si Alden kung bakit yun ang isinuot niya. Sa mga nakapanood na ng pelikula nila ni Julia Montes na ‘Five Breakups and a Romance’, makokonek agad na ito ang suot ni Alden sa isang scene sa movie.
At dito nga niya sinabi na since Godzilla ang naka-print sa shirts, Godzilla bilang destroyer, may kakabog pa raw ba na nakakatakot sa isang destroyer?

 

At base rin sa movie, nasira nga raw ba ni Lance (character niya sa movie) ang buhay ni Justine, played by Julia.
Daming negative comment ng mga netizens. Nandiyang ‘di man lang daw nag-effort mag-costume habang ang iba, todo effort. Nag-promote pa raw kahit nasa event na.

 

Pero ang iba naman, lalo na ang mga fan ni Alden ay pinupuri pa rin ito na guwapo at hot. May nagsabi rin na smart boy.

 

May mga nagdepensa rin kay Alden na sobrang ngarag na raw ni Alden na kaliwa’t-kanan ang mga block screening na pinupuntahan, para makapag-prepare pa.

 

***

 

ISA-ISA nang ipinakikilala ang mga gaganap na bagong ‘Sang’gre’.

 

May isang Sang’gre na ipinakilala na sa ’24 Oras’, ito ay si Bianca Umali bilang Terra, ang anak ni Sang’gre Danaya.
Siyempre, given naman na mga Sparkle artists ang mga bagong cast. Nagtanong-tanong kami, pero ayaw pang kumpirmahin ng mga napagtanungan namin.

 

Though, ilan pa sa naririnig nilang mga bagong Sang’gre bukod kay Bianca ay sina Faith da Silva, Angel Guardian at Kate Valdez. Habang si Glaiza de Castro ay mapapanood pa rin.

 

Sa 2024 pa naman ang ‘Sang’gre’ na siguradong isa sa aabangan sa Kapuso network.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • YORME ISKO NAKALABAS NA NG OSPITAL

    NAKALABAS na ng ospital si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos ang kanyang sampung araw na quarantine.     Ang alkalde ay dinala sa Sta. Ana Hospital  dahil nagpositibo sa COVID-19 kung saan nakaramdam ng mga sintomas tulad ng sipon, ubo at pananakit ng katawan.     Sa ika-limang araw nito sa ospital, nawalan ito […]

  • Dahil kailangang mag-stay ng three months sa Korea: MARIAN, tinanggihan na ang offer na maging ina ni KIM SEON HO sa pelikula

    TOTOO nga pala na may offer kay Marian Rivera na gumanap bilang Filipina mom ng South Korean actor na si Kim Seon Ho sa Korean film nito na Sad Tropics.     Ito ang project na nagtuloy-tuloy gawin ni Seon Ho after his scandal. Nang lumabas ang balitang ito, minessage na namin si Marian at […]

  • DPWH: CALAX malaking tulong upang mabawasan ang trapiko sa Calabarzon

    Nagkaron ng inagurasyon at ceremonial opening noong nakaraang buwan ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Sub-section 5 mula sa Silang East Interchange papuntang Sta.Rosa-Tagaytay Interchange sa Cavite na may tinatayang 5,000 na motorista ang gagamit at dadaan sa nasabing expressway.       “While this pandemic may have slowed down and disrupted the implementation of projects, the […]