• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Distribusyon ng relief goods sa mga biktima ng lindol, pinangunahan ni PBBM

PINANGUNAHAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang distribusyon ng  relief goods sa mga biktima ng  magnitude 7 earthquake na umuga sa lalawigan ng Abra, araw ng Miyerkules.

 

 

Sa kanyang naging pagbisita sa lalawigan ng Abra, namahagi si Pangulong  Marcos ng  relief packs  matapos ang  pakikipagpulong  nito sa mga lokal na opisyal  na  nagpaabot sa kanya ng kalagayan at sitwasyon at lawak ng napinsala nang malakas na paglindol.

 

 

Ipinagbigay alam din sa Pangulo ang agarang pangangailangan ng mga biktima sa Abra at mga kalapit -lugar.

 

 

“’Yung mga nasa evacuation center, tiniyak natin, tinitiyak natin ni Secretary [Erwin] Tulfo na lahat ng pangangailangan ninyo habang kayo ay nandito pa sa evacuation center ay meron kayong maibigay –– mga pagkain, mga kung ano man ang mga kailangan pa ninyo,” ang bahagi ng naging pahayag ng Pangulo sa Bangued Plaza sa Abra,  kung saan  itinayo ang modular tents  para sa mga biktima.

 

 

“’Yun ang aming tinitiyak, ‘yun ang aming pinagkakaabalahan na makasiguro tayo na… Eh natamaan na nga kayo ng lindol, hindi na kayo dagdagan pa ang inyong kahirapan ,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Matapos mamahagi ng relief goods, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang kanyang mga supporters sa lalawigan.

 

 

“Maraming salamat sa tulong ninyo. Maraming salamat sa suporta ninyo. Ngayon ako naman ang tutulong sa inyo at magsusuporta sa inyo ,” aniya pa rin.

 

 

Kaugnay nito, binisita rin ni Pangulong Marcos ang Abra Provincial Hospital  para personal na tingnan at alamin  ang kundisyon  ng mga nasaktang pasyente dahil sa malakas na paglindol.

 

 

Samantala, pinangunahan din ng Pangulo ang briefing sa epekto ng lindol sa Camp Juan Villamor, Police Provincial Office.

 

 

“Nagpa-report kami sa mga iba’t ibang departamento, para makita, para mabuksan ang ating mga kalsada, mabalik na ang kuryente,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Nagsagawa rin si Pangulong Marcos ng aerial inspection  sa mga napinsalang lugar sa naturang lalawigan.

 

 

Ipinagbigay alam din sa Pangulo ang agarang pangangailangan ng mga biktima sa Abra at mga kalapit -lugar.

 

 

“’Yung mga nasa evacuation center, tinitiyak natin ni Secretary [Erwin] Tulfo na lahat ng pangangailangan ninyo habang kayo ay nandito pa sa evacuation center ay meron kayong maibigay –– mga pagkain, mga kung ano man ang mga kailangan pa ninyo,” ang bahagi ng naging pahayag ng Pangulo sa Bangued Plaza sa Abra,  kung saan  itinayo ang modular tents  para sa mga biktima.

 

 

“’Yun ang aming tinitiyak, ‘yun ang aming pinagkakabalahan na makasiguro tayo na… Eh natamaan na nga kayo ng lindol, hindi na kayo dagdagan pa ang inyong kahirapan ,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Matapos mamahagi ng relief goods, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang kanyang mga supporters sa lalawigan.

 

 

“Maraming salamat sa tulong ninyo. Maraming salamat sa suporta ninyo. Ngayon ako naman ang tutulong sa inyo at magsusuporta sa inyo ,” aniya pa rin.

 

 

Kaugnay nito, binisita rin ni Pangulong Marcos ang Abra Provincial Hospital  para personal na tingnan at alamin  ang kondisyon  ng mga nasaktang pasyente dahil sa malakas na paglindol.

 

 

Samantala, pinangunahan din ng Pangulo ang briefing sa epekto ng lindol sa Camp Juan Villamor, Police Provincial Office.

 

 

“Nagpa-report kami sa mga iba’t ibang departamento, para makita, para mabuksan ang ating mga kalsada, mabalik na ang kuryente,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Nagsagawa rin si Pangulong Marcos ng aerial inspection  sa mga napinsalang lugar sa naturang lalawigan.

Other News
  • Hipon Girl, ire-repackage ni Wilbert para gawing ‘beauty queen’

    BUKOD kay Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz, pasok na rin si Herlene ‘Hipon Girl’ Budol sa lumalaking pamilya ng businessman/vlogger/internet personality na si KaFreshness Wilbert Tolentino.     Pumirma na si Hipon Girl, kaya si Wilbert na ang kanyang official business manager, following the footsteps of the popular online seller and PBB housemate Madam Inutz […]

  • US bibili ng 500-M doses ng bakuna laban sa COVID-19 para ipamahagi sa mga bansa

    Nakatakdang bumili ang US Ng 500 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na ipapamigay sa 100 bansa sa loob ng dalawang taon.     Sinabi ni US President Joe Biden na unang ipapamahagi ang 200 milyon doses ng bakuna ngayong taon at ang mga natitira ay sa 2022.   Ang hakbang ay kasunod na pressure […]

  • Ads November 29, 2022