Djokovic naging emosyonal sa paghaharap muli niya kay Nadal
- Published on October 22, 2024
- by @peoplesbalita
NAGING emosyonal si Novak Djokovic ng talunin ang matagal na niyang karbal na si Rafael Nadal sa Six Kings Slam exhibition game sa Saudi Arabia.
Sinab ni Djokovic kay Nadal na dapat ay hindi muna niya iwan ang tennis.
Dagdag pa nito na nais niyang makasama ito habang sila ay retireado at nag-rerelax na lamang sa buhay.
Magugunitang inanunsiyo ng 38-anyos na si Nadal na ito ay magreretiro sa tennis pag natapos na ang Davis Cup Finals sa susunod na buwan.
Ang dalawa ay nagharap na ng 60 beses kung saan sa exhibition match sa Saudi ay nahigitan na ni Djokovic si Nadal na mayroon na itong 31 panalo kontra 29.
Mayroong 24 Grand Slam title si Djokovic habang si Nadal ay mayroong 22 Grand Slam title lamang.
Nalungkot si Djokovic dahil sa nasaksihan niya ang pagreretiro ni Andy Murray at Roger Federer at ngayon si Nadal na kaniyang itinuturing na matinding karibal.
-
PBBM, isang ‘unstoppable leader’- DAR
ITINUTURING ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella na isang ‘unstoppable leader’ si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kapansin-pansin naman kasi ayon sa Kalihim na ayaw magpaawat at walang nakapipigil kay Pangulong Marcos mula sa paghahatid ng ‘good services’ sa mga Filipino. “Kahit na po kaarawan niya, kahit birthday niya na kasama ho niya […]
-
Bukod sa pararangalang Box-Office Heroes: ALDEN at KATHRYN, palaban din sa Best Actor at Best Actress sa ‘The 7th EDDYS
NGAYON Linggo, July 7 na ang Gabi ng Parangal ng ’The 7th EDDYS’ ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Gaganapin ito sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City, na muling ididirek ng aktor at award-winning filmmaker na si Eric Quizon. Mapapanood naman ang kabuuan ng awards […]
-
Dahil 60% ng tawag sa 911 ay ‘prank’… SIM Registration Law, hindi epektibo-Remulla
NANINIWALA si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na hindi epektibo ang SIM Card Registration Act dahil ang POGO operations, iniuugnay sa mga ilegal na aktibidad ay nagpapatuloy. Sinabi ito ni Remulla, dahil 60% ng tawag sa 911 ay ‘prank’. Aniya pa rin, ang problema sa pagpaparusa sa mga […]