Djokovic nangangambang hindi makapaglaro sa French Open matapos na maghigpit ang France
- Published on January 19, 2022
- by @peoplesbalita
NANGANGAMBANG posibleng hindi rin makapaglaro si Novak Djokovic sa French Open sa buwan ng Mayo dahil sa ipapatupad na paghihigpit para hindi na kumalat ang COVID-19.
Nagpasa kasi ang France ng vaccine pass law na aprubado ng parliyamento kung saan dapat ang mga tao ay magpakita ng certificate of vaccination kapag magtutungo sa mga pampublikong lugar.
Ayon sa Health ministry ng bansa na kapag tuluyan ng maipasa ang batas ay maghahanap ng vaccination certificate ang mga establishimento.
Hahanapin ito sa lahat ng tao maging spectator man o manlalaro.
Hindi naman nila tiyak kung magkakaroon pa ng pagbabago pagdating ng mga panahon.
Magugunitang hindi sang-ayon si Djokovic sa pagpapabakuna ng manlalaro laban sa COVID-19 na siyang naging sanhi para kanselahin ang kaniyang visa sa Australia at tuluyang hindi maidepensa ang kaniyang titulo sa Australian Open.
-
Ads May 23, 2022
-
Distribusyon ng relief goods sa mga biktima ng lindol, pinangunahan ni PBBM
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang distribusyon ng relief goods sa mga biktima ng magnitude 7 earthquake na umuga sa lalawigan ng Abra, araw ng Miyerkules. Sa kanyang naging pagbisita sa lalawigan ng Abra, namahagi si Pangulong Marcos ng relief packs matapos ang pakikipagpulong nito sa mga lokal na opisyal na nagpaabot […]
-
“BONES AND ALL” BARES MORE BLOOD, GORE IN NEW EXTENDED TRAILER
WARNER Bros. Pictures has just released the extended theatrical trailer for “Bones And All” – starring Taylor Russell, Timothée Chalamet, and Mark Rylance, from director Luca Guadagnino (“Call Me By Your Name”). Check out the trailer now and see “Bones and All” only in cinemas across the Philippines starting November 23. YouTube: https://youtu.be/4m4CmFXMtnU Facebook:https://www.facebook.com/watch/?v=546759180507041 About “Bones and […]