P6.622B PONDO INIHANDA NG GOBYERNO
- Published on November 5, 2020
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng pamahalaan na mayroong available funds para sa ginagawang pagtugon at relief efforts para sa mga apektado ng Super Typhoon Rolly.
“Gaya ng sinabi ni [Budget] Secretary [Wendel] Avisado kahapon, meron tayong P3.622 billion available na pondo sa NRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council),” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.
Sa isinagawang high-level meeting kasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay ipinaliwanag ni Sec. Avisado na ang P3.622 billion, ay ang natirang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) na nadagdagan ng P5 billion sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Sinabi ni Sec. Avisado na ang NDRRMF ay may orihinal na P16 bilyon, “at nagamit na po ‘yung iba diyan kaya nag-augment tayo.”
Para sa local governments na apektado ng bagyo subalit nagamit na ang lahat ng kanilang calamity funds dahil sa COVID- 19—sinabi ni Sec. Roque na dahil hindi sila makapag- request ng karagdagang pondo direkta mula sa DBM, ang LGUs ay maaaring mag-request ng karagdahang pondo mula sa line agencies.
‘Yung mga lokal na pamahalaan bagamat hindi pwede na directly ma-replenish ng national government ‘yung kanilang naubos na calamity funds, pupwede silang humingi ng augmentation sa mga national agencies na meron pong quick response funds kagaya ng OCD (Office of Civil Defense), DSWD (Department of Social Welfare and Development), DOH (Department of Health), at DA (Department of Agriculture),” ang pahayag ni Sec. Roque.
Maliban sa apat na ahensya, maaari ring humingi ang LGUs ng calamity fund replenishment mula sa Department of Public Works and Highways, Depart- ment of Education, at National Electrification Administration.
Sa ilalim ng General Appropriations Act, may ilang departamento ang nabigyan ng Quick Response Fund (QRF).
Ito ay ang Department of Agriculture, P1.5 bilyon; Department of Education, P2.1 bilyon; Department of Health, P600 milyon; Department of Public Works and Highways, P1 bilyon; Department of Social Welfare and Development, P1.25 bilyon; at National Electrification Adminis- tration, P100 milyon.
“The DBM replenishes its QRFs whenever these are depleted to ensure that those departments can adequately respond to disasters,” ayon kay Sec. Avisado.
Sa ngayon aniya ay wala pa namang departmento ang humihingi ng karagdagang pera subalit sinabi ni Sec. Avisado na inaasahan na ng DBM na may magre- requests kasunod ng kamakailan lamang na kalamidad na tumama sa bansa.
Nakita rin ng DBM ang malaking requirements bilang resulta ng Super Typhoon Rolly at plano nitong makipag- ugnayan sa Kongreso para sa kung paano magbibigay ng additional allocation.
“Ang importante lang kasi dito, Wendel, na malaman ng tao na may pera para dito ngayon kunwari itong pangyayari ngayon — that there is money coming for them to use. Hindi sila maghirap na talagang stretching to the limit ‘yung not only the money but the agony ang pag-ano nila,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.
“So kung alam lang nila na may pera tapos nagastos ito nang tama at dumating ito sa mga beneficiaries, iyon lang naman ang kailangan nila. They know that there is money,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Nasa 1.5-M manggagawa nawalan ng hanapbuhay dahil sa ECQ sa NCR plus – Sec. Lopez
Tinatayang nasa 1.5 million manggagawa ang nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng dalawang linggo na enhanced community quarantine sa Greater Manila Area, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI). Sa isang briefing, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na sa halos 1.5 million displaced workers, 500,000 rito ang nakabalik na sa kanilang […]
-
Foreign tourist arrivals sa Pinas, pumalo sa mahigit 1 milyon —DOT
MAHIGIT isang milyon na international travelers ang dumating sa Pilipinas sa unang tatlong buwan ng 2023. Sinabi ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco na nakikini-kinita na niya ang pagbangon ng tourism sector dahil 1,152,590 international tourists ang bumita sa bansa “as of March 15, 2023.” “In less than three […]
-
READY TO SEE VALAK AGAIN? TICKETS FOR “THE NUN II” NOW AVAILABLE
THE ticketing site for the sequel to horror hit “The Nun” is now live. Calendar your day with Valak and book your tickets to see “The Nun II” now: https://www.nun2.com.ph/ Don’t forget to watch with friends… or not. “The Nun II” opens only in cinemas September 6. Watch the trailer: https://youtu.be/NNhtX4gtoiI About “The Nun II” 1956 – […]