Djokovic umatras na sa pagsabak sa Indian Wells at Miami Open
- Published on March 12, 2022
- by @peoplesbalita
UMATRAS na sa paglalaro sa Indian Wells at Miami Open si Serbian tennis star Novak Djokovic.
Ito ay dahil sa paghihigpit na US sa panuntunan laban sa COVID-19.
Nakasaad kasi sa panuntunan ng nasabing torneo na dapat ipakita ng mga manlalaro ang kanilang katibayan na sila ay naturukan na ng COVID-19 vaccine.
Inamin kasi ng 34-anyos na 20-time Grand Slam champion na hindi pa ito natuturukan ng bakuna laban sa COVID-19.
Dahil dito ay posibleng sa Abril pa siya makakapaglaro sa Monte Carlo Masters.
Magugunitang hindi na nakapaglaro si Djokovic sa Australian Open matapos na palayasin dahil sa hindi pagpapakita ng katibayan na ito ay naturukan ng COVID-19 vaccines.
-
Teves, 6 pa kinasuhan ng CIDG
SINAMPAHAN na ng kaso ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. at anim nitong staff kaugnay sa mga hindi umano lisensiyadong mga armas at bala na nakuha sa isinagawang raid sa mga bahay ng kongresista ng nakalipas na linggo. Ayon sa PNP-CIDG, bukod kay […]
-
Nag-react si Oyo sa photo na pinost: KRISTINE, buntis uli sa ika-anim na anak at parang laging first time
SA Instagram post ng aktres na si Kristine Hermosa-Sotto, in-announce nito na ipinagbubuntis niya ang ika-anim na baby nila ni Oyo Sotto. Makikita sa post ang solo photo ni Oyo na kuha sa shooting na may hawak na baril at ang ultrasound image ng kanilang baby. Kahit na pang-anim na niya itong pagbubuntis, pero parang […]
-
Jobless tumaas ng 1.8% nitong June – SWS
Tumaas ng may 1.8 percent o may 13.5 milyong katao ang jobless noong nagdaang Hunyo dulot ng umano’y mahabang panahon ng pagpapatupad ng lockdown sa bansa sanhi ng Covid-19 pandemic. Ito ay batay sa lumabas na SWS survey nitong June na may 27.6 percent o 13.5 milyon ang jobless mas mataas ng 1.8% […]