• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOF, bukas upang ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa LGUs ukol sa Mandanas ruling, fiscal capacities

BUKAS ang Department of Finance (DoF) na ipagpatuloy ang pakikipag-usap LGUs kaugnay sa National Tax Allotment.
Sa katunayan, muling pinagtibay ni Finance Secretary Ralph Recto ang commitment ng departamento na ‘transparency’ at mahigpit na pagsunod sa Mandanas ruling.
“We assure our LGUs that we are strictly adhering to transparency and accountability, especially with the principles set by the Supreme Court, in implementing the Mandanas-Garcia ruling. Nothing is shortchanged,” ang sinabi ni Recto.
”We are very much welcome and open to having continued dialogues with our LGUs to help them strengthen their fiscal capacities and optimize resource utilization to deliver more and better services to Filipinos,” dagdag na wika ng Kalihim.
Ngayong linggo ay nakatakdang makipagpulong si Recto sa League of Cities and Municipalities para talakayin ang computation ng NTA.
Sa ulat, pinalawak ng July 2018 Supreme Court ruling ang base ng share ng LGUs sa taxes o mga buwis o sa tinatawag na “Mandanas Ruling.”
Layon ng nasabing adjustment ang ayusin ang fiscal autonomy ng LGUs sa pamamagitan ng pagkakaloob sa mga ito ng “more substantial share of the national tax base.” ayon sa DOF.
Sa ulat, inatasan ng High Tribunal ang hepe ng DoF, Kalihim ng Department of Budget and Management (DBM), Commissioners ng BIR at Bureau of Customs (BOC), at National Treasury, na isama ang lahat ng national tax collections sa computation ng NTA base, “except those accruing to special purpose funds and special allotments for the utilization and development of the national wealth.” (Daris Jose)
Other News
  • NITAG, nagdesisyon na ibigay ang 400k bakunang Sinovac

    NAGDESISYON na ang National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) na ibigay ang pinakahuling donasyon ng China na 400,000 Sinovac sa mga medical health workers sa pinakaapektado ng new variants, kasama na ang NCR Plus, Cebu at Davao.   “Yan po ay impormasyon na ipinarating sa atin ni vaccine czar, Secretary Carlito Galvez,” ayon kay Presidential Spokesperson […]

  • Slaughter, Aguilar medya pa lang ang pag-eensayo

    NAG-BONDING na uli sa hardcourt ang ‘kambal na tore’ ng Barangay Ginebra San Miguel na sina Gregory William ‘Greg’ Slaughter at Japeth Paul Aguilar, ayon sa isang social media account post ng huli nito lang isang araw.     Sa Instagram story ni Slaughter, 32, isang maikling clip na kinuhanan sa isang gym sa Pasig […]

  • Bilang ng Pinoy na nakaranas ng gutom, bumaba – SWS

    BUMABA  ang bilang ng pamilyang Pinoy na nakakaranas ng gutom sa bansa sa ikalawang bahagi ng taong 2022.     Batay sa ulat ng Social Weather Stations (SWS), mula sa dating 3.1 milyon noong 1st quarter ng 2022 ay na­ging 2.9 milyong Pinoy na lang ang nakakaranas ng involuntary hunger o hindi nakakakain ng kahit […]