DOH: 8,764 healthcare workers infected; 58 patay sa COVID-19
- Published on September 23, 2020
- by @peoplesbalita
Aabot na sa 8,764 ang bilang ng mga health care workers sa Pilipinas ang tinamaan ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa data ng ahensya, as of September 16, mayroon nang 8,068 na ang gumaling at 58 ang namatay na, mula sa nasabing total.
Ang mga active cases o nagpapagaling pang infected medical frontliners ay nasa 638, na binubuo ng 56% na mga mild, 39.3% na mga asymptomatic, 3.1% severe, at 1.6% na nasa kritikal ang kondisyon.
Ayon sa World Health Organization (WHO), isa mula sa pitong kaso ng COVID-19 na inire-report sa kanila ang healthcare worker.
“Globally around 14% of COVID cases reported to the WHO are among health workers and in some countries it’s as much as 35%,” ani Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, director general ng WHO.
Kaya naman apela ng international organization sa mga estado, palakasin ang kanilang mga polisiya na nagbibigay ng proteksyon sa mga healthcare workers, lalo na sa usapin ng mental health.
Hindi rin umano dapat mawalan ng access sa mga personal protective equipment at training ang medical frontliners para matiyak ang kanilang kaligtasan sa trabaho.
“We all owe health workers an enormous debt, not just because they have cared for the sick, but because they risk their own lives in the line of duty.”
Nababahala ang WHO, dahil lumabas sa kanilang hiwalay na pag-aaral na isa mula sa apat na healthcare workers ang nakakaranas ng anxiety at depression. Habang isa mula sa tatlong healthcare workers ang may insomnia.
Ayon kay Ghebreyesus, may obligasyon ang bawat pamahalaan na siguruhing ligtas at maayos ang lagay ng kanilang mga health workers.
Una nang sinabi ng Health department ng Pilipinas na mas maraming benepisyo na ang aasahan ng healthcare workers sa ilalim ng pinirmahan na Bayanihan to Recover as One Act.
-
P500 monthly ‘ayuda’ , iro-roll out bago matapos ang termino ni PDu30
TARGET ng gobyerno na i-rollout ang ipalalabas na P500 monthly cash aid para sa mga low income families bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong buwan. Sa isang panayam, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) spokesperson Director Irene Dumlao na nagpalabas ng joint memorandum circular ang Department […]
-
Klase sa lahat ng antas sa Bulacan, sinuspinde ni Fernando vs COVID-19
LUNGSOD NG MALOLOS- Sa rekomendasyon ng Provincial Health Office-Public Health at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sinuspinde ni Gob. Daniel R. Fernando ang klase sa lahat ng antas sa buong lalawigan ng Bulacan kahapon (Martes) bilang pag-iingat sa banta ng pagkalat ng coronavirus disease, na kilala bilang COVID-19. Ang suspensyon ay alinsunod […]
-
Pupunta si Kathryn pero ‘di invited si Daniel: Dream wedding ni BEA, siguradong tutuparin ni DOMINIC
AYON sa isang panayam, inamin ni Dominic Roque na nagpi-prepare na sila ni Bea Alonzo para sa kanilang kasal na mangyari na taong ito. Mula nang pumasok ang 2024 ay nagsimula na sila ng kanyang fiancee sa kanilang wedding preparation, na kung saan pareho silang excited. “The wedding is happening outside Metro […]