DOH: 95% ng monkeypox cases sa mundo dahil sa ‘sexual contact,’ pero hindi STD
- Published on August 1, 2022
- by @peoplesbalita
TINATAYANG 95% sa kaso ng monkeypox viral disease sa buong mundo ang naipasa sa habang nagsasagawa ng sekswal na mga gawain, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.
Pero nilinaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi sexually transmitted disease o STD ang naturang virus.
“Hindi [s]iya classified as a sexually transmitted disease. Although ngayong nag-evolve na itong monkeypox virus, maaari na itong makuha sa sexual contact,” pagbibigay-diin niya sa isang panayam sa radyo.
“Actually, 95% of cases right now globally are through sexual contact nakuha,” pagpapatuloy niya.
Biyernes nang kumpirmahin ni DOH deputy spokesperson Beverly Ho na natukoy na sa Pilipinas ang unang kaso ng monkeypox sa isang 31-anyos na Pinoy na nanggaling sa ibang bansa.
Sambit ni Vergeire, may mga nasawi na dahil sa monkeypox at maaaring mas vulnerable rito ang mga immunocompromised, mga buntis at mga senior citizen.
“[K]apag ‘yung tinamaan ay immunocompromised individuals, mababa ‘yung kanilang panlaban sa sakit. Katulad ng mga buntis, maaari ring maging vulnerable sila, katulad ng mga kabataan, and of course, ‘yung mga nakakatanda na marami nang comorbidities,” sambit niya.
Una nang sinabi ng World Health Organization na maaaring kumalat ang monkeypox sa pamamagitan ng skin-to-skin contact tulad ng pakikipagtalik, pakikipaghalikan at paghawak sa indibiwal na may sintomas ng naturang sakit.
Samantala, sinabi ni infectious disease at vaccine expert na si Dr. Rontgene Solante na mas mapanganib pa rin ang COVID-19 kumpara sa monkeypox dahil gumagaling aniya sa loob ng 21 hanggang 28 days ang mga tinatamaan ng viral infection na madalas makuha sa skin-to-skin contact.
“Malayo talaga in terms of mortality. Mas delikado ang COVID-19 compared to monkeypox. [I]n general, this is a less severe type of infection compared to COVID-19,” sambit niya sa isang panayam .
Ang Pinoy na tinamaan ng monkeypox ay sinasabing nagpositibo sa nasabing sakit noong ika-28 ng Hulyo. (Ara Romero)
-
Lalaki ba o Babae?: Trisha Tubu
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng isyu tungkol sa mga umano’y lalaki na naglalaro si liga ng mga babae. Isa ngayon si Adamson Falcon women’s volleyball rookie sa nasa gitna ng kotrobersiya dahil kung maglaro ito ay parang may lakas ng isang lalaki bukod pa sa ang itsura, boses nito ay parang […]
-
PNP CHIEF GAMBOA, 7 PA SAKAY NG BUMAGSAK NA CHOPPER SA LAGUNA
AYON sa dalawang opisyal ng Philippine National Police (PNP), stable na ang kondisyon ni PNP chief General Archie Francisco Gamboa matapos mag-crash ang sinasakyang chopper sa Laguna, bandang alas otso ng umaga, kahapon Marso 5. “Nasa mabuti siyang lagay, maganda po ang kanyang lagay,” saad ni PNP deputy chief for administration Police Lieutenant General […]
-
PBBM deadma sa hirit ni ex-PRRD na ‘One Mindanao’ – Abalos
INIHAYAG ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos na ayaw patulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihiwalay na ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas. Ayon kay Sec. Abalos, hindi na napag-usapan sa sectoral meeting kaninang umaga ang isyu ng one Mindanao kung saan, […]