• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM deadma sa hirit ni ex-PRRD na ‘One Mindanao’ – Abalos

INIHAYAG ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos na ayaw patulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihiwalay na ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas.

 

 

Ayon kay Sec. Abalos, hindi na napag-usapan sa sectoral meeting kaninang umaga ang isyu ng one Mindanao kung saan, ang naging sentro ng talakayan ay kung paano mapapalakas ang kampanya sa cyber crime.

 

 

Muli namang nanindigan si Abalos na isang paglabag sa konstitusyon kung may magtatangkang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

 

 

Kung sa posibilidad naman aniya ng paghahabla sa dating Punong Ehekutibo kasunod ng mga naging pahayag nito na may kaugnayan sa pagnanais nitong ihiwalay na ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas, bahala na aniya ang DOJ ukol dito. (Daris Jose)

Other News
  • SUSPEK SA PAGPATAY SA MAG-INA SA VALENZUELA, SINAMPAHAN NA NG KASO

    DALAWANG bilang na kasong murder ang isinampa ng pulisya sa pangunahing suspek na pumaslang sa 6-taong batang lalaking may kapansanan at kanyang 43-anyos na ina kamakailan sa Valenzuela City.     Siniguro ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na matatag at tatayo sa hukuman ang kasong isinampa nila laban kay Michael Francisco, 41 ng […]

  • 60% ng mga Pilipino, pabor sa Sim card registration – Social Weather Stations

    LUMALABAS sa survey mula sa Social Weather Stations (SWS) na majority o 60% ng mga Pilipino ang pabor sa SIM Card Registration law.     Mula sa survey ng SWS nasa 17% ng respondents naman ang tutol habang nasa 23% ang undecided.     Sa 60%, 32% dito ang strongly approve habang nasa 29% naman […]

  • DIRECT SUNLIGHT, WALANG EBIDENSIYA NA NAKAMAMATAY NG CORONA VIRUS

    WALA  pang ebidensya na ang “direct sunlight” ay nakamamatay ng virus ng coronavirus disease.   Ito ang sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire,  sa umano’y muling paggamit ng mga surgical mask matapos itong ibilad sa araw upang mamatay umano ang virus.   “Wala pang ebidensya na nakakapagbigay sa atin kung ito ba ay naapektuhan […]