• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: ‘Bentahan ng COVID-19 vaccines’ iniimbestigahan na ng NBI

Hihintayin na lang daw ng Department of Health (DOH) na matapos ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng umano’y bentahan ng COVID-19 vaccines.

 

 

Pahayag ito ng ahensya matapos maaresto ang isang nurse at dalawang indibidwal na sangkot umano sa pagbebenta ng 300 doses ng bakunang Sinovac.

 

 

“Iniimbestigihan na ito ngayon ng NBI at ayaw naming i-preempt whatever their findings would be,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

 

“Ang imbentaryo namin everyday, so our LGU’s submits to vaccine cluster nationally and regionally after itong imbentaryo ng mga bakuna na nagamit versus yung bakunang mayroon sila. May mga tao rin tayong nagmo-monitor ng logistics.”

 

 

Muling pinaalalahanan ng opisyal ang publiko na huwag tangkilikin ang mga ibinibentang bakuna dahil sa ngayon libreng ipinapamahagi ng pamahalaan ang COVID-19 vaccines.

 

 

Umapela rin ang opisyal sa mga sangkot sa bentahan ng bakuna na intindihin ang pangangailangan ng bansa sa bakuna, lalo na’t limitado pa rin ang pandaigdigang supply.

 

 

“Intindihin natin na marami pa sa ating mga kababayan ang nababakunahan at hindi ito ang panahon para pagkakitaan natin ang isang bagay na mahalaga sa mga Pilipino.”

 

 

Nilinaw na ni Manila Mayor Isko Moreno na kahit empleyado ng Gat Andres Bonifacio Medical Center ang naarestong nurse, ay hindi naman vaccine supply ng lungsod ang pinaniniwalaang naibenta nito.

Other News
  • 30% ng mga tauhan ng PAL, matatanggal

    Nag-abiso ang Philippine Airlines (PAL) na magtatanggal sila ng nasa 2,300 na tauhan.     Katumbas ito ng 30 porsyento ng kanilang kabuuang work force.     Pero tiniyak ng PAL na bibigyan ng options ang kanilang mga empleyado para sa angkop na benepisyo o kaya ay lilipat sa iba pang tanggapan na konektado sa […]

  • Roger Federer, nanguna sa 100 highest-paid athletes ng Forbes

    Nangibabaw sa unang pagkakataon si tennis superstar Roger Federer sa listahan ng mga highest-paid athletes ng Forbes business magazine ngayong taon.   Sa datos ng Forbes, kumita si Federer ng $106.3-milyon kung saan $100-milyon ang mula sa appearance fees at endorsement deals, habang ang $6.3-milyon ay galing sa premyo sa nilahukang mga torneyo.   Sumegunda […]

  • DOH umamin: Problemado sa global shortage ng testing kits at protective suits vs COVID-19

    AMINADO ang Departent of Health (DoH) na hindi pondo ang problema sa pagharap sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kundi ang global shortage ng mga testing kits at protective suits.   Sa briefing sa House Committee on Health, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na target nila na makakuha ng 2,000 test supplies kada Linggo subalit […]