• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: Hindi pa kailangan ng red alert kahit may ‘local transmission’ ng COVID-19

HINDI pa raw nakikita ng Department of Health ang pangangailangan na magdeklara ng code red alert sa Pilipinas kahit nakapagtala na ng pinaghihinalaang local transmission ng COVID-19 sa bansa.

 

Ito ang paglilinaw ni Health Sec. Francisco Duque matapos na may dalawang Pilipino ang nagpositibo sa sakit.
“Well, there is no (local) transmission to speak of as of yet because we only have one (suspected). That’s why we’re doing contact tracing. To establish whether or not there are other cases, but now its premature to say that there is local transmission.”

 

“You can speculate but we have to be evidence based.”

 

Isang 48-anyos na lalaking may travel record sa Japan ang ikaapat na tinamaan ng COVID-19. Nilagnat daw ito noong March 3. Eksaktong isang linggo mula nang umuwi galing Tokyo.

 

Ang isa naman ay 62-anyos na nakilalang regular na bumibisita sa isang Muslim prayer hall sa Greenhills, San Juan. Wala itong travel record sa labas ng bansa at tanging hypertension at diabetes lang ang sakit bago nag-positibo sa COVID-19.

 

Pinapayuhan naman ang mga taong malimit na magpunta sa prayer hall at may nanaramdamang sakit na tumawag sa DOH hotline (02)8-651-7800 loc 1149-1150.

 

Nasa pangangalaga na raw ng RITM ang dalawang Pinoy, kasama ang isang kamag-anak ng ikalimang kaso na nakitaan din ngayon ng sintomas ng sakit.

Other News
  • DepEd, tinitingnan ang pilot run ng bagong SHS curriculum para sa SY 2025-2026

    TINITINGNAN ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng revised Senior High School curriculum para sa School Year 2025-2026.     Ito ang sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa sidelines ng Chinese-Filipino Business Club Inc. (CFBCI) 13th Biennial National Convention, kung saan siya ang tumayong keynote speaker.     “Ang target […]

  • MGA DELEGADO SA PBA BUBBLE NAGNEGATIBO SA COVID-19

    NAGNEGATIBO sa coronavirus ang lahat ng mga delegates na kasali sa PBA bubbles sa Pampanga.   Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, na dahil dito ay maaari na silang makibahagi sa ensayo sa Angeles University Foundation gym.   Bago kasi makapasok sa Quest Plus Conference Cener ang mga koponan ay sumailalim ang mga ito sa […]

  • MGCQ pagkatapos na lang ng holiday season

    Ayaw ng mga mayors sa Metro Manila na luwagan ang community quarantine ngayong Christmas season upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng may COVID-19.   Ayon kay National Task Force Against CO­VID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. nag-iingat ang mga mayors at kung magluluwag man sa community ay pagkatapos na ng holidays.   “At […]