• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH, itinuturing na isang magandang development sakaling makamit ng mas maaga ang target na 70M fullly vaccinated individuals

KUMBINSIDO ang Department of Health (DOH) na makakamit ng bansa ang 70 million fully vaccinated individuals bago pa matapos ang unang quarter ng taon.

 

 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Usec. Myrna Cabotaje na “as of January 29, 2022,” pumalo na sa 60 million ang nabigyan ng first dose at 58.6 million ang nakakumpleto na ng bakuna.

 

 

Sinabi ni Cabotaje, kung umabot na ngayong Enero sa halos 60M ang fully vaccinated, nangangahulugan ito na sampung milyon na lamang ang kailangang makuha para sa vaccination.

 

 

Subalit, isa aniyang magandang development kung sakaling makamit na sa darating na buwan ng Pebrero ang target na 70M fully vaccinated individuals.

 

 

Dahil mas maagang maaabot ng gobyerno ang panibagong milestone pagdating sa vaccination program nito.

 

 

Gayunman, batid ani Cabotaje ng lahat na marami sa mga health care workers ng bansa ang nagkasakit, naka-quarantine o naka- isolate kaya’t bahagyang bumagal ang pagbabakuna ng pamahalaan.

 

 

Ito aniya ang dahilan kung bakit nagpatupad sila ng ibang mga istratehiya gaya na lamang ng pagbubukas ng mga pharmacies at mga piling private clinics para tumulong sa vaccination effort ng mga local government units o LGUs. (Daris Jose)

Other News
  • Trailer ng ‘Family Matters’, higit 35 million views na: NOEL, ‘di malilimutan ang lalaking lumapit na naiyak sa teaser pa lang

    ANG trailer ng “Family Matters” na produced ng Cineko Productions ay umaani ng milyon-milyong views online sa pinagsama-samang platforms.     Sa ngayon, meron na itong mahigit 35 million views.     Isa sa mga official entry sa 2022 Metro Manila Film Festival. Parang in tradition of “Tanging Yaman,” a family movie na siguradong tatagos […]

  • Mga recovered patients, partially vaccinated payagang kumain sa mga resto- NTF adviser Herbosa

    DAPAT ding payagang kumain sa mga restaurants ang mga indibidwal na naka-recover mula sa COVID-19 at iyong mga partially vaccinated dahil sa medical conditions.   Ito ang pahayag ni National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat i-ban ang mga unvaccinated individuals na pumasok […]

  • Philippine rugby team ng bansa wagi ng 2 gintong medalya

    NAGWAGI ng dalawang gintong medalya ang national rugby team ng bansa na Philippine Volcanoes.     Nakuha nila ang gintong medalya ng men’s and women’s events sa Asia Rugby Emirates Sevens Trophy na ginanap sa Nepal.     Noong Sabado ay tinalo ng men’s team ang Chinese Taipei 27-14 sa finals habang tinalo ng women’s […]