• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH NAGBABALA SA W.I.L.D. OUTBREAK

BINALAAN  ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa posibleng outbreak ng waterborne at foodborne illnesses, influenza-like illnesses, leptospirosis at  dengue (W.I.L.D.) diseases  kasunod ng pananalasa ng nagdaang mga bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha sa ilang lugar sa bansa.

 

Iginiit din ng DOH ang panawagan nito sa pag-iingat laban sa pagkalat ng Covid-19  sa mga lumikas.

 

Ayon sa DOH, ang bagyong Rolly at Ulysess ay nagdulot ng malawakang pagbaha at pinsala na naging dahilan ng mga paglikas sa maraming bahagi ng Luzon.

 

Dahil dito, inalerto na ng DOH ang kanilang Centers for Health Development  dahil sa mga panganib sa kalusugan sa apektadong mga lugar upang patuloy na mag-monitor kasama ang local government units sa kani-kanilang komunidad sa posibleng pagkalat ng W.I.L.D diseases

 

Ayon sa DOH’s epidemiological analysis, ang peak season ng influenza sa bansa ay tuwing Hulyo at Oktubre, kasabay ng pagsisimula ng tag-ulan dahil sa pagbago ng panahon mula sa tag-init at maulang panahon.

 

Samantala, ang mga tubig na hindi dumadaloy ay mga pinamumugaran naman ng lamok  at ang tubig baha na ito ay maaari ring magdala ng bakterya ng leptospira na sanhi ng leptospirosis.

 

Binigyan diin din ng DOH ang pagkagambala ng ligtas na malinis na suplay ng tubig dahil sa pagbaha  na maaring maging sanhi ng kontaminasyopn ng tubig at pagkain na nagdudulot ng iba pang mga sakit tulad ng cholera,typhoid fever,dysentery, amoebiasis,hepatitis A at acute gastroenteritis.

 

Binigyan diin din ng kalihim ang importansya ng pagiging alerto at bigilante sa mga evacuation centers.

 

Sa ngayon,wala pa naman umanong naitatalang kaso ng Covid-19 sa mga evacuation centers , batay na rin sa ulat ng DOH – Health Emergency Management Bureau.

 

Umaasa naman si Duque na walang maging kaso ng Covid-19 sa mga evacuation centers hanggang makauwi ang mga bakwit sa kani-kanilang bahay kung saan patuloy na minimonitor ang health conditions sa  mga apektadong lugar  at patuloy na nagpapaalala ang kagawaran  na sumunod sa minimum health standards na ipinatutupad ng pamahalaan (GENE ADSUARA)

Other News
  • Pinas sa China: P60 milyong sinira sa Ayungin incident bayaran n’yo

    SINABIHAN ng Tsina ang Pilipinas na “face the consequences of its own actions” matapos humirit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagbayarin ng P60 milyon ang Chinese government para sa danyos na dinulot ng China Coast Guard (CCG) sa barko ng Pilipinas noong Hunyo 17.       Para kay Mao Ning, spokesperson […]

  • BAGONG OBISPO NG CEBU, ITATALAGA SA AGOSTO 19

    NAKATAKDANG  italaga bilang bagong Obispo ng Archdiocese of Cebu si Bishop-elect Ruben Labajo.     Nagpahayag naman ng pasasalamat si Cebu Archbishop Jose Palma sa pagkakaroon ng isa pang katuwang na obispo sa nasabing  Archdiocese.     Sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Palma, mahalaga ang pagkatalaga ni Bishop-elect Labajo  upang makatulong sa pangangasiwa […]

  • Halos P.4M droga, nasabat ng NPD-DDEU sa buy bust sa Valenzuela, 2 tiklo

    HALOS P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects, kabilang ang isang itinuring bilang High Value Individual (HVI) matapos madakma ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni P/Capt. Regie Pobadora, […]