DOH, NAGLABAS NG CIRCULAR PARA SA HOLIDAY SEASON
- Published on November 27, 2020
- by @peoplesbalita
NAGLABAS na ang Department of Health (DOH) ng Department Circular (DC) No. 2020-0355 o ang Reiteration of the Minimum Public Health Standards for COVID-19 Mitigation ngayong Holiday season.
Ito ay upang bigyang gabay ang publiko kung paano panatilihin ang minimum public health standards sa panahon ng holidays at masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa sa pagdalo ng selebrasyon o aktibidad.
Ayon sa DOH, ang holiday sa Pilipinas ay karaniwan na nagsasama-sama ang mga kaibigan,kamag-anak at mahal sa buhay kung saan dumadalo ng malalaking pagdiriwang at paglalakbay.
Ngunit ngayong taon,ayon sa DOH dahil sa Covid-19 pandemic,ang karaniwang aktibidad ay hindi na advisable dahil inilalagay nito ang publiko sa mas mataas na peligro na magkaroon ng virus.
Ang DC No.2020-0355 ay partikular na nagbibigay ng mga hakbang sa pagpapagaan ng peligro para sa publiko na sumunod sa panahon ng Kapaskuhan tulad ng:
- 1. Paglimita sa bilang ng tao sa social gatherings at aktibidad.
- Umiwas sa aktibidad na may kasamang pagbyahe (travel).
- Pumili ng aktibidad na mayroon lamang maikling tagal lamang ng contact o pakikisalamuha.
- Pagsasanay sa BIDA (B-bawal walang mask, I-i-sanitize ang mga kamay, D-dumistansya ng isang metro, A-alamin ang totoong impormasyon).
- Pag-iwas sa pakikipag-ugnayan sa Avoiding high-touch surfaces;
- Tiyakin na may tamang ventilation sa venue
- Pagdagdag ng physical and mental resilience.
Sa isang media forum, pinaalalahanan din ni Health Usec Maria Rosario Vergeire ang publiko ang peligro ng paglantad sa sarili sa maraming tao.
“Exploring congested areas, close-contact settings, and confined places are the three risk factors that pose a high risk of COVID-19 transmission. The threat of the virus is even higher when these factors overlap. Examples of the 3 risk factors include: attending large family, social, or religious gatherings, in-person shopping in malls and bazaars, and indoor gathering of a large group of people that involves singing, shouting and dancing,” sinabi ni Vergeire.
Bukod dito, hinikayat ni Vergeire ang publiko na isaalanag-alang ang pagbabago ng kanilang mga aktibidad sa Pasko o paggamit sa mga virtual na aktibidad upang mnapoagaan ang pagkalat ng virus, particular sa mga saradong lugar o espasyo at may higit na bilang ng mga dumadalo mula sa inirerekomendang limitasyon. (GENE ADSUARA )
-
Pagtatayo ng PCOO Academy, sisimulan ngayong Setyembre-Andanar
SA WAKAS, magsisimula na ang pagtatayo ng Government Strategic Communications Academy (GSCA) ngayong buwan ng Setyembre. Sa isang kalatas, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na ang proyektong ito ay magkakaroon ng “breaking ground” ngayong buwan sa loob ng compound ng Northern Bukidnon State College (NBSC) sa Manolo Fortich, Bukidnon. […]
-
Mapapanood ang first-ever mega trailer ng ‘Voltes V: Legacy’… ALDEN, mangunguna pa rin sa celebration ng ‘Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon’
SI Asia’s Multimedia Star Alden Richards pa rin ang mangunguna sa celebration ng “Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon” ngayong Saturday evening, December 31, na tiyak na magugustuhan ng mga K-Pop fans dahil makiki-party, hindi lamang ang mga paborito nilang Kapuso stars, kundi ganoon din ang mga P-Pop stars at ang biggest K-pop stars of […]
-
Memoriam wall sa mga yumao,itinatag ng Quiapo church
Nagtatag ng memoriam wall ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa harap ng simbahan kung saan maaaring isulat ang pangalan ng mga yumaong mahal sa buhay lalo na ang nasawi sa coronavirus. Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng basilica, ito ay pakikiisa ng simbahan sa panawagan ng […]