• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH nangangambang tataas ulit ang COVID-19 cases habang papalapit ang Pasko

Nangangamba ang Department of Health (DOH) na tumaas ulit ang maitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong papalapit na ang Pasko.

 

 

Sa briefing ng House Committee on Trade and Industry, binigyan diin ni DOH Epidemiology Bureau Dir. Alathea de Guzman na hindi dapat nagpapakampante ang publiko sa kabila nang pagbaba ng mga naitatalang nagong COVID-19 cases sa mga nakalipas na linggo.

 

 

Ipinapaala niya na nariyan pa rin ang banta ng coronavirus kaya dapat pa rin ang ibayong pagsunod sa minimum health protocols kahit pa niluluwagan na ang mobility restrictions.

 

 

Sa kanyang ulat sa komite, ibinahagi ni De Guzman na sa ngayon ay nasa one percent na lamang ng total caseload ang bilang ng mga pasyenteng nagpapagaling pa sa COVID-19 o iyong mga maituturing pang active cases.

 

 

Ang recovery rate naman aniya ay pumapalo na sa 97.38 percent, habang ang fatality rate naman ay 1.62 percent.

Other News
  • Aplikasyon ng special permits sa pagbiyahe sa Kuwaresma, bukas na – LTFRB

    BUKAS na ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa special permits para makabyahe sa kasagsagan ng holidays ngayong taon tulad ng Mahal na Araw, All Saints day, All Souls Day, at Pasko.     Tatanggap ang LTFRB hanggang Marso 13 ng mga aplikasyon para sa special permits sa Mahal na Araw, […]

  • Philippine Heart Center, nagdiwang ng 50th Anniversary, iba’t ibang aktibidad inilunsad

    IPINAGDIWANG ng Philippine Heart Center (PHC) ang kanilang ika-50th anibersaryo nitong Pebrero 14, 2025. Sa isang press conference na ginanap nitong Pebrero 14, tinalakay ng mga opisyal ng PHC ang kanilang mga nagawa at mga plano para sa hinaharap.   Bilang bahagi ng pagdiriwang, inilunsad ng PHC ang iba’t ibang aktibidad, kabilang ang isang charity fun […]

  • Rice MSRP, maaaring bumaba sa P45/kg. sa pagtatapos ng Marso -DA

    MAAARING bumaba ang maximum suggested retail price (MSRP) para sa bigas bunsod ng patuloy na pagbaba ng global rice prices at paglakas ng piso.   “Ang plano namin kung tuluy-tuloy ang trend na ito, by March 31, baka ibaba namin sa P45 ang kilo ng imported rice, 5 percent broken,” ang sinabi ni Department of Agriculture […]