DOH pinag-aaralan kung irerekomenda na COVID-19 ‘self-test’ kits
- Published on January 7, 2022
- by @peoplesbalita
Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) kung imumungkahi na nito sa publiko ang paggamit ng COVID-19 test kits para ma-test ang sarili.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakipagkita na ang DOH sa Food and Drug Administration (FDA) at mga dalubhasa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para rito.
“Pinag-aaralan po kung paano po natin maisasagawa na hindi naman po magkakaroon ng inaccurate results ang ating mga kababayan,” paliwanag ni Vergeire sa panayam ng Teleradyo, Miyerkules.
“Kailangan lang ho nating masiguro na wala tayong misuse of the self-test antigen dahil alam naman po natin na meron po tayong tinatawag na right test at the right time at appropriate use.”
Sinasabi ito ngayon ni Vergeire habang binubuhay ng mga progresibong grupo gaya ng Bagong Alyansang Makabayan at Bayan Muna party-list ang pagkakaroon ng libreng COVID-19 mass testing sa Pilipinas, na wala aniya sa 2022 national budget.
-
137M doses ng Covid 19 vaccines para sa taong 2022
TINATAYANG aabot sa 137 million doses ng COVID-19 vaccines ang na-secure ng pamahalaan para sa susunod na taon. Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Miyerkules ng gabi na manggagaling ito sa iba’t ibang brands ng bakuna na nagbigay na ng commitment ng suplay sa bansa. “Maganda […]
-
Gallego, Asuncion lumundag sa ‘NC’
MAGIGING leon na ang dating bulldog, samantalang isa pang tigre ang magiging cardinal. Parang mga tipaklong na naglulundagan ang dalawang basketbolista ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) papuntang National Colleagite Athletic Association (NCAA). Pinakabagong tumalon nitong Martes sina National University Bulldog starter John Vincent ‘JV’ Gallego na umentra ng San Beda University Red Lions, […]
-
DEPLOYMENT NG OFWs SA SAUDI, SINUSPINDE
PANSAMANTALANG sinuspinde ang deployment ng Overseas Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) . Ito ang ipinag-utos ni Labor Secretary Silvestre Bello III kasunod ng natanggap na ulat ng Kagawaran na ang mga umaalis na mga OFWs nire-require ng kanilang mga employer o foreign recruitment agencies nba balikatin ang gastos sa […]