• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH pinaiiwas muna ang publiko sa Christmas caroling dahil sa COVID-19

PINAIIWAS muna ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga nakagawiang aktibidad tuwing holiday season tulad ng Christmas caroling dahil sa banta ng COVID-19.

 

Pahayag ito ng ahensya sa gitna ng mga paghahanda sa ilang tradisyon tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon.

 

“Let us limit the number of people in social gatherings and activities, preferably to people within the same household. Avoid activities that require travel to areas with higher quarantine classification and keep activities as short as possible,” ani Health Sec. Francisco Duque III.

 

Ayon sa tagapagsalita ng ahensya, may mga lumabas nang pag-aaral tungkol sa risk o banta ng COVID-19 transmission ng ilang aktibidad na ginagawa ng mga tao.

 

“May lumabas na pag-aaral na ipinakita na kapag ikaw ay may certain activity how much load of the virus can you transmit. Mayroon diyan yung pagsasalita, paghinga, pag-ubo, pagbahing, pagkanta at pagsasalita ng malakas,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

“Nakita diyan na yung pagkanta ng malakas, ‘yan yung pinakamataas na porsyento or highest yield of the virus if you’re infected na lalabas.”

 

Sa ilalim ng Department Circular No. 2020-0355, pinapayuhan ng ahensya ang publiko na iwasan pa rin ang malalaki at matagal na pagtitipon.

 

Hindi rin muna inirerekomenda ng DOH ang holiday activities sa enclosed spaces o masisikip na lugar, kung saan malabong masunod ang physical distancing protocol.

 

Pinag-iingat din ng Health department ang magpapamilya sa pagtanggap sa mga kamag-anak na galing sa malalayong lugar.

Other News
  • Travel advisory ng Canada sa PInas, hindi makaaapekto sa security landscape ng Pinas -Año

    HINDI makaaapekto sa tunay na security situation sa ground ng Pilipinas ang travel advisory ng Canada laban sa bansa.     Sa isang kalatas, sinabi ni National Security Adviser at National Security Council (NSC) chair Eduardo Año na ang pag-assess sa security landscape ay isang “ongoing process”, winika nito na patuloy ang ginagawang pagsisikap na […]

  • MIDNIGHT VACCINATION, GINAWA SA MAYNILA

    UPANG lalong dumami pa  ang mabababkunahan sa Lungsod ng Maynila, nagsagawa ng midnight vaccination  para sa mga trabahador, partikular na sa area ng Divisoria, na hindi makapunta sa vaccination sites tuwing araw dahil kailangan nilang maghanap-buhay.     Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang nasabing special vaccination ay ginawa ng lokal na […]

  • Pagbabakuna kontra COVID-19, umarangkada na sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pormal nang sinimulan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lalawigan ng Bulacan sa itinalagang COVID-19 Vaccination Site sa The Pavilion Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito ngayong araw.     Bago ito, isinagawa ang simbolikong pagbabakuna sa harap ng vaccination site na dinaluhan nina Gob. Daniel R. Fernando, Bokal Alexis Castro […]