• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH, todo paalala sa mga naninigarilyo na itigil ang kanilang bisyo para iwas panganib at sakit sa puso

TODO paalala ang Department of Health (DOH) sa mga naninigarilyo na huminto na o huwag subukang manigarilyo para sa mga non-smoker upang mabawasan ang panganib na magkaroon ng mga sakit sa puso.

 

 

 

Ayon kay Dr. Maria Rosario Sylvia Uy ng DOH Disease Prevention and Control Bureau, ang paninigarilyo ay nauugnay sa mataas na panganib ng coronary heart disease.

 

 

 

Ang coronary heart disease ay isang uri ng sakit sa puso dahil sa kawalan ng oxygen na dumadaloy papunta sa puso.

 

 

 

Base kasi sa data mula sa Philippine Statistics Authority, ang ischemic heart disease o coronary heart disease ang pangunahing dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas maging sa buong mundo noong 2022.

 

 

 

Isa nga sa modifiable factors ng coronary artery disease ay ang paninigarilyo.

 

 

 

Sinabi pa ni Dr. Uy na ang mga naninigarilyo na mayroon ding iba pang commorbidities ay mas madaling makaranas ng atake sa puso.

 

 

 

Klaro din aniya base sa pag-aaral na kapag itinigil ang paninigarilyo halimbawa na lamang sa loob ng tatlong taong hindi paninigarilyo ay nababawasan ang banta ng pagkakaroon ng coronary artery disease at heart attack.

 

 

 

Makikita rin aniya sa mga pasyente na tumigil manigarilyo na tumataas ang high-density lipoprotein (HDL) na good cholesterol kaya’t mahalaga aniya ito.

 

 

 

Hinimok din ni Segundo ang mga naninigarilyo na ugaliing magkaroon ng healthy lifestyle at may mga doktor din na makakatulong kapag nahihirapang talikuran ang bisyo.

 

Other News
  • Barangay chairman itinumba ng 2 riding-in-tandem sa Malabon

    Dedbol ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng dalawa sa apat na hindi kilalang mga suspek likod ng kanyang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.   Dead on arrival sa Manila Central Univesity (MCU) hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Anthony Velasquez, 41, Barangay Chairman […]

  • Mag-utol, 2 pa nabitag sa P136K shabu sa Valenzuela

    ISINELDA ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang magkapatid matapos makuhanan ng nasa P136K halaga ng shabu makaraang maaresto sa magkahiway na buy bust operation sa Valenzuela City.     Ayon kay PLt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police, dakong alas-4:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga […]

  • MANGINGISDANG NAVOTEÑO INAYUDAHAN NG BFAR

    UMABOT sa 1,056 rehistradong mangingisda sa Navotas ang nakatanggap ng salapi at pagkain mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.   Binisita ni Cong. John Rey Tiangco ang pamamahagi sa unang pangkat ng mga benepisyaryo na nag-uwi ng P3,000 cash voucher na makukuha sa MLhuillier at P2,000 halaga ng pagkain kabilang ang 25-kilo sako ng […]