• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH tutol sa mandatory booster

HINDI KUMBINSIDO  ang Department of Health (DOH) sa panukala ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na gawing mandatory ang COVID-19 booster shots sa ngayon dahil may iba pang mga paraan upang ikampanya ang vaccination drive sa bansa,

 

 

Una nang iginiit ni Concepcion na gawing mandatory sa mga establisimento sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 o sa mga lugar na natapos na ang primary series ng pagbabakuna laban sa COVID-19.

 

 

Sa isang public briefing, sinabi ni Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center head Myrna Cabotaje na hindi pa sila maaring sumang-ayon kay Concepcion.

 

 

“We understand where he is coming from – he wants full protection.But for now, what we can do is give out information and request the people to get their boosters,” aniya.

 

 

“Ang gagawin natin ay i-strengthen natin ang advocacy . . . [Ang government agencies] at partners natin sa private sectors ay pag-iibayuhin ’yung communication and advocacy to increase the uptake of booster,”dagdag pa nito.

 

 

Aminado naman si Cabotaje na mababa pa ang bilang ng mga nagpa-booster sa mga nakalipas na linggo dahil hindi pa nakikita ng mga tao ang pangangailangan na maturukan na nito.

 

 

Nasa 36 milyon na ang nakatakda sa booster shots subalit nasa 10.5 milyon pa lang ang nakatanggap nito hanggang nitong Marso 5.

 

 

Sa datos, may 63.7 mil­yong indibiduwal na ang nakakumpleto na ng bakuna na 70% ng target na 90 milyong populasyon.

 

 

Upang palakasin, nakatakdang isagawa ng gobyerno ang ikaapat na yugto ng National Vaccination Day mula Marso 10 hanggang 12 kung saan ang mga COVID-19 jab kung saan tututok sa mga residential at sa workplaces.

Other News
  • Service Caravan ng BI sa Batangas, sinimulan

    BIYAHENG Batangas ngayon ang Bureau of Immigration para sa kanilang fourth leg  na nationwide  caravan.     Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang Bagong Immigration Service Caravan ay gaganapin sa Batangas City.     “Our goal is to bring our services closer to people,” ani Tansingco. “While many of our services are now […]

  • Japanese Olympic swimmer Daiya Seto, sinuspinde ng 1-taon dahil sa iligal na pakikipagrelasyon

    SUSPENDIDO si 4-time world champion Japanese swimmer Daiya Seto ng isang taon dahil sa pagkakaroon ng extra-marital affair.   Mismong ang Japan Swimming Federation ang nagpataw ng nasabing kaparusahan dahil nilabag umano ng 26-anyos na swimmer ang sportsmanlike conduct standard ng bansa.   Dahil sa pangyayari ay boluntaryo na itong bumaba bilang team captain ng […]

  • 14 KABABAIHAN NASAGIP, 4 ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

    NASAGIP  ng mga ahente ng  National Bureau of Investigation- Special Task Force (NBI-STF) ang 14 kababaihan at arestado naman ang  apat na indibidwal na sangkot sa human trafficking sa Lipa City Batangas .       Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga naarestong suspek na sina Wilson Ebreo, Alora Almoguera, […]