DOJ: Drug case vs De Lima ‘di iaatras
- Published on October 17, 2022
- by @peoplesbalita
NANINDIGAN si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi ibabasura ng gobyerno ang mga drug case na kinakaharap ni dating senador Leila de Lima sa gitna ng mga naging panawagan ng mga mambabatas ng Estados Unidos na palayain siya sa pagkakakulong at isantabi ang lahat ng mga kasong isinampa laban sa kanya.
“Kinausap ko po ang prosecutors, they stand by what they’re doing. Who am I to tell them itigil n’yo ‘yan. Hindi ko pwedeng awatin po ‘yan. That is already institutional action. The institution in action. Hindi po natin pwede burahin o awatin basta-basta, unless talagang maling-mali,” ani Remulla sa naging panayam sa TV.
Ang pahayag ni Remulla ay ginawa matapos matanggap ang liham noong Oktubre 12, 2022 mula sa mga US Senators na sina Edward Markey, Richard Durbin, Patrick Leahy at US Reps. Aumua Coleman Radewagen, Alan Lowenthal at Donald Beyer, sa pakiusap na Nanindigan kahapon si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi ibabasura ng gobyerno ang mga drug case na kinakaharap ni dating senador Leila de Lima sa gitna ng mga naging panawagan ng mga mambabatas ng Estados Unidos na palayain siya sa pagkakakulong at isantabi ang lahat ng mga kasong isinampa laban sa kanya.
Iginiit ng mga mambabatas ng Estados Unidos na dapat nang iurong ng DOJ ang lahat ng kasong isinampa laban kay De Lima, na humantong umano sa hindi makatarungang pagkakabilanggo na lubhang nakakabagabag dahil limang taon nang napagkaitan siya ng maayos na buhay kaugnay sa umano’y “fabricated charges against her.”
Ipinunto pa nila na marami na ang mga testigong bumawi sa kanilang testimonya laban sa senador.Iginiit ng mga mambabatas ng Estados Unidos na dapat nang iurong ng DOJ ang lahat ng kasong isinampa laban kay De Lima, na humantong umano sa hindi makatarungang pagkakabilanggo na lubhang nakakabagabag dahil limang taon nang napagkaitan siya ng maayos na buhay kaugnay sa umano’y “fabricated charges against her.”
Ipinunto pa nila na marami na ang mga testigong bumawi sa kanilang testimonya laban sa senador. (Daris Jose)
-
“Pagsusulong sa sustainable creative economies, isang hamon sa ating panahon” – Fernando
LUNGSOD NG MALOLOS- “Investing in local culture such as music, dance, theatre, literature, including traditional knowledge and skills, can develop creative economies, open up opportunities, and help strengthen identity and community. Ito po ay isang prayoridad sa hamon ng ating panahon.” Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando sa ginanap na […]
-
Tulfo, ipinag-utos ang paglikha ng IRR para sa solo parents welfare act
IPINAG-UTOS ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo ang pagbalangkas at pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) para patakbuhin o maging operasyonal ang Expanded Solo Parents Welfare Act. Sinabi ng Kalihim na binuo ang technical working group (TWG) para mag- draft ng IRR ng bagong batas na magbibigay […]
-
Tolentino nais mag-USTe
ISA sa mga gumawa ng pangalan sa Ateneo de Manila University Lady Eagles sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s indoor volleyball ang player na si Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino. Pero kung pagkakataong makapamili ng iba pang mapaglalaruan bukod sa ADMU-Quezon City, sa University of Santo Tomas Golden Tigresses ang pangarap ng Premier […]